BAHAY NG ALKALDE PINASABUGAN

MAGUINDANAO –PINASABUGAN ng hindi nakikilalang mga suspek ang bahay ng isang alkalde sa bayang sakop ng lalawigang ito.

Ito mismo ang kinimperma ni Datu Piang Mayor Victor Samama.

Matatandaan na tumama ang dalawang 40 mm high explosives ng M79 grenade launchers sa function hall ng bahay ni Samama.

Suwerte naman at walang tinamaan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa pamilya ng alkalde at mga kapitbahay.

Malaki ang paniniwala ni Samama na may kinalaman sa nalalapit na halalan o kaaway nya sa politika ang may gawa sa pagpapasabog.