BAHAY NG MGA RAYMUNDO, PINAKA-LUMANG BAHAY SA MALABON

Sa kabila mga ina­bot na pagbaha dahil sa kalamidad, nananatili pa ring nakatayo ang isang bahay sa Malabon na itinayo nooong 1861 sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.

Ang nasabing bahay ay ipinatayo ni Fernando Raymundo at ang kasalukuyang nagmamay-ari nito ay ang ikalimang henerasyon ng kanyang salinlahi.

Sa labas ay naroon pa rin ang original na batong daanan na alaala ng mga bakod sa Intramuros. Adobe ang dingding nito at ang malaking gate ay gawa sa kahoy

Alam ng lahat na ang bahay na ito ang pinakalumang bahay sa Malabon na nagtatago ng napakaraming kasaysayan.

Ilang bahagi na nito ang nasira ngunit ibinabalik lamang ito sa dating hitsura. Noong 1970s, inayos ang bubong nitong tumutulo at ang mga ilang bahagi ng nabubulok. Gayunman, pinanatili nila ang dating hitsura nito.

Ang Raymundo House ay isa nang Historical Heritage na itinayo halos kasabay sa pagsilang ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Sa taon ding ito itinayo ang San Bartolome Church; two storey structure na may ground floor stone wall at 2nd floor na yari sa kahoy.

Tinatawag din itong bahay-na-bato ng mga taga-Malabon, kung saan sa kanyang Hapsburg Eagle ay nakasulat sa itaas ng gate — “Itinayo para kay Dr. Raymundo, isang “medico.”

RLVN