BAHAY NI DIGONG MAY BITAK DAHIL SA LINDOL

bahay ni digong

NADAMAY sa serye ng lindol ang bahay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Ayon kay Senador Christopher Bong Go, may bitak-bitak na ang bahay ng Pangulo at ini-extend lang ang nasabing bahay na nilagyan ng second floor na hindi naman talaga dinisenyo para rito.

Pahayag ni Go na na­ram­daman ng Pangulo ang magnitude 6.5 na lindol kaninang umaga dahil nasa banyo ito.

Aniya, maayos naman ang Pangulo at nagpapahinga na bagaman nababahala dahil medyo malakas ang lindol.

Kasabay nito, ipinabatid ni Go na mayroon ding mga bitak na nakita siya sa kanyang bahay matapos ng lindol  kahapon ng umaga. DWIZ882

One thought on “BAHAY NI DIGONG MAY BITAK DAHIL SA LINDOL”

Comments are closed.