Bahay ni Mura nasunog

NAKIKITIRA  na lamang sa kung saan-saan ngayon ang komedyanteng si Mura, na ang tunay na pangalan ay Allan Padua, matapos masunog ang bahay na kanyang tinitirhan kamakailan.

Natupok ng apoy ang kanyang bahay sa Purok 3, Sitio Abibling, Barangay Tupas, Ligao City, Albay kaya humihingi siya ng tulong dahil wala silang naisalba kahit ano sa bilis ng mgga pangyayari.

Ayon kay Mura, nagsimula ang sunog sa kuwarto ng kanyang kapatid, at kalat na ito sa buong kuwarto nang kanilang makita.

Halos maiyak si si Mura sa nangyari dahil dito raw niya inilagay ang lahat ng kinita niya sap ag-aartista. Tatlong eses na raw silang nasunugan, ngunit ito ang pinakamatindi.

Hindi raw niya alam kung paanong muling makababawi dahil matanda na siya at mahina na ang kanyang katawan.

Naaksidente si Mura ilang taon na ang nakalilipas kaya tumamlay ang kanyang career sa showbiz. Doon din umano naubos abf ipon niya.

Ang tatlong ektaryang lupa na kinatitirikan ng bahay ni Mura sa Albay ang tanging pinagkukunan niya ng pagkakakitaan nitong mga nakaraang taon. Nabili raw niya ito sa halagang P75,000 noong 2005 na tinataniman nila ng niyog, mais, at mani. NLVN