BAHAY NI XIAN LIM NILIMAS NG KAWATAN

Ikinagulat ng lahat ang post ng aktor na si Xian Lim sa kanyang Instagram account kung saan idinetalye ang nakawang naganap sa kanyang bahay.

Nagdalawang isip si Xian kung ipo-post niya ang nangyari sa kanya dahil hindi siya masyadong aktibo sa social media. Lahat ng TV sets at computer niya sa kanyang bahay ay nawala. Winasak ng akyat bahay ang kanyang mga bintana, pati na ang sahig at ang mga metal grills.

Inireport na niya ito sa pulisya at ayon sa imbestigasyon ay apat ang sangkot sa pagnanakaw.

Nag-post sa Instagram si Xian noong Enero 8. Ayon sa kanya, umuwi siya ng bahay noong Enero 6 at bumulaga sa kanya ang isang bangungot. Wasak ang kanyang bintana at nakababa ang nilagareng metal grills. Nang buksan niya ang pinto, may nakita siyang basahan sa sahig. Hindi niya alam kung saan ito ginamit ngunit sigurado umano siyang mga magnanakaw ang naglagay nito sa sahig.
Nang igala niya ang kanyang paningin, nakita niyang nawawala ang lahat ng kanyang TV at mga computer. Nakita rin umano niya ang kahoy na may malaking pako, na posibleng ginamit para sirain ang kanyang pinto at bintana.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang aktor pero ayon sa mga pulis ay apat na katao ang pumasok sa bahay ni Xian. Nagpapasalamat naman si Xian na kahit nanakawan siya ay walang nasaktan sa kanyang pamilya at kasambahay.

“The other day, I came home and witnessed a nightmare. I saw that a couple windows were shattered, metal grills hammered and filled down. Pagbukas ko ng pintuan, they left a piece of cloth in the front door, I guess to let me know that the place was robbed prior to entering? I’m not really sure. I looked around and saw that all the tvs and computer are gone. They also left two planks with nails sticking out.

I’m assuming that this is what they used to break the windows and the locks in the door. Could also be used as a weapon? I dont have answers.

Nasa state of shock pa rin ngayon si Xian at hindi makapaniwala sa nangyari.

Takot ang una niyang naramdaman at pagkatapos ay galit, dahil nasa bahay ang kanyang ina, lolo at lola. Nagpapasalamat siyang hindi sila nasaktan. Gayunman, kung sino man umano ang nagnakaw sa kanila, sana ay magamit nila ang perang yan para mapakain nang husto ang kanilang pamilya, at Diyos na ang bahala sa kanila.

Si Xian Lim o Alexander Xian Cruz Lim-Uy ay isang Fil-Am actor, filmmaker, model, singer, host, at professional basketball player. Ilan sa pelikulang ginawa niya ay My Binondo Girl, The Reunion, Ina, Kapatid, Anak, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?, Bride for Rent, The Story of Us, at Everything About Her.

Nitong Kapaskuhan, nagtungo si Xian at GF na si Kim Chiu sa Boracay kasama ang pamilya ng aktres.
KAYE N. MARTIN

Comments are closed.