PRIORITY ng anak nina Lorna Tolentino at nang yumaong Rudy Fernandez na si Renz Fernandez ay makapagpatayo ng sariling bahay kaya nagdesisyon sila ng inang si Lorna at Kuya Rap na ipagiba na lang ang kanilang bahay sa White Plains, Quezon City at patayuan ng dalawang bahay ang super laking lote na ipinundar pa ng kanilang ama noong nabubuhay pa ito.
Sa edad na 34 years old ay gusto na raw ni Renz maging independent, kaya gusto niya magkaroon ng sariling bahay at kapitbahay pa rin niya ang kanyang ina at kapatid.
“Eh, 34 na ako. Gusto ko na rin na ako na ang nagpapatakbo ng sarili kong household. Hindi naman forever na nakadikit ako kay Mama. Kaya nagdesisyon na kaming tatlo na simulan ng bago ang lahat. Ipagiba ang lumang bahay at tayuan ng bago.
“Opo, maraming memories ang bahay na iyon sa amin, pero we all have to move on. Lahat naman ng magagandang memories na naiwan ni Papa (Rudy Fernandez), nasa amin na, puso at isipan,” say ni Renz.
Hindi naman ikinaila ni Renz na may prospect na siyang babae na makasama o maging girlfriend, pero wala pa sa isip niya ang mag-asawa. Ang pagpapatayo ng sarili bahay ay para masanay at maging independent.
Gusto niya maging girlfriend hangga`t maaari ay hindi taga-showbiz para maiba naman daw, pero kapag hindi nag-push ang popormahan niyang non-showbiz ay may isang taga-showbiz siyang nakareserba.
WINWYN MARQUEZ HANDA NA MULING MA-IN LOVE
HANDA nang magkaroon uli ng lovelife ang former Reina Hispanoamericana na si Winwyn Marquez.
Isang taon na siyang loveless magmula nang maghiwalay sila ni Mark Herras. Kung si Mark ay mabilis na naka-move on dahil ilang buwan pa lang sila naghiwalay ni Winwyn ay nakarelasyon na nito ang beauty queen turned actress na si Nicole Dones nang magkasama sila sa isang telserye.
After her break up kay Mark ay mas naging priority ni Winwyn ang trabaho kaysa magkaroon din ng bagong boyfriend.
Ngayon ay tila handa na nga si Winwyn na buksan muli ang nadurog niyang puso para muling umibig. Kasama nga raw sa goal niya sa year 2020, “If meron, di ba? If meron talagang dumating sa akin at ma-inlove ako sa certain someone, then why not?
“There`s nothing to be afraid of pagdating sa love. If maramdaman mo, then go ,” say ni Wyn.
Gusto rin ni Winwyn magkaroon ng maraming quality time sa kanyang pamilya.
Comments are closed.