BAHAY NIRATRAT, BEBOT TODAS

AGAD na binawian ng buhay ang isang babae makaraang paulanan ng bala sa loob ng kanilang bahay ng hindi nakilalang mga salarin sa Tondo, Maynila.

Hindi bababa sa 10 basyo ng bala ang nadiskubre sa bahay ng biktima, ayon sa Manila Police District (MPD).

Kinilala ang biktima na si Rosette de Castro y Manansala,40-anyos,residente ng 725 Interior 44 Laong Nasa Tondo,Maynila.

Ayon sa pamilya ng biktima, wala silang alam na naging kaaway nito dahil napakabait kaya hinala nila na baka nagkamali lamang sila nang pinatay.

Sa imbestigasyon ng MPD, naghahanda ng pagkain ang biktima nang lumapit ang dalawang suspek sa kanilang sari-sari store at nagkunwari na bibili ng sigarilyo.

Ilang sandali pa, bumunot ng baril ang mga suspek kaya nagawang tumakbo ng biktima sa kanilang kusina ngunit sinundan siya saka sunod-sunod na pinaputukan .

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspek na kapwa nakasuot ng jacket sakay ng isang motorsiklo na Yamaha Mio na kulay red patungong sa direksyon ng Abad Santos Avenue.

Inaalam pa ng operatiba ang mga posibleng motibo sa likod ng pagpatay sa biktima.
PAUL ROLDAN