INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na dalawang bagong bahay pa ang kanilang ipinatayo para sa mga senior citizens na inaalagaan ng city government.
Sinabi ni Lacuna nitong Martes na ang mga naturang istruktura ay pinasinayaan ni Manila Department of Social Welfare chief Re Fugoso sa isang simpleng seremonya na isinagawa nila kamakailan.
“Pinasinayaan natin ang dalawang bagong bahay ng mga lolo at lola natin sa Luwahati ng Maynila sa Manila Boystown,” ayon kay Lacuna. VERLIN RUIZ