Dalawang hindi pa nakikilalang biktima ang napaulat na nasawi matapos maganap ang pagsabog sa loob ng Madison Garden Subdivision, Brgy. San Roque, Sto. Tomas, Batangas, kahapon ng umaga.
Batay sa inisyal na ulat ni PSupt. Harold Depositar, hepe ng pulisya, sinasabing patuloy pa rin kinikilala ng mga ito ang dalawang biktima.
Lumilitaw na nagkahiwa-hiwalay ang parte ng katawan ng mga biktima bunsod ng malakas na pagsabog.
Bandang alas- 11:00 ng umaga ng maganap ang nasabing pagsabog sa mismong tirahan ng mga biktima na nasa dulong bahagi ng naturang subdibisyon sa hindi pa mabatid na dahilan.
Kaugnay nito, patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon si Depositar at mga kagawad ng Explosives Division sa naganap na insidente. DICK GARAY
Comments are closed.