ISINAILALIM sa localized quarantine simula kahapon hanggang sa ika-2 ng Setyembre, ang isang bahay at isang workers’ quarter sa dalawang barangay sa Taguig City.
Ayon sa Safe City Task Force, mayroong 20 residente sa nasabing ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Gayundin, nasa 18 indibidwal naman ang nagpositibo sa COVID-19 mula sa workers’ quarter ng isang negosyo sa Barangay Palingon-Tipas.
Dahil dito, inirekomenda ng task force ang agarang lockdown sa nasabing bahay para hindi na magkahawahan pa sa lugar.
Mahigpit namang imo-monitor ang kalagayan ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng regular na pagsalang sa mga ito sa swab test.
Tatanggap naman ng social at economic support mula sa lokal na pamahalaan ang mga apektadong residente. DWIZ 882
Comments are closed.