Bahid ng kasaysayan sa San Agustin Church

Jayzl Villafania Nebre

SIKAT  na sikat ang San Agustin Church, pero kilala rin ito bilang Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de la Consolación y Correa o Immaculate Conception Parish. Isa itong Roman Catholic church na nasa pangangalaga ng Order of St. Augustine, na matatagpuan sa makasaysayang walled city ng Intramuros sa Maynila.

Sinimulang itayo noong 1587 at natapos noong 1607, itinuturing itong pinakamatandang simbahang bato sa bansa.

Noong 1993, isa ang San Agustin Church sa apat na simbahang idineklarang World Heritage Site ng UNESCO, sa ilalim ng collective title na Baroque Churches of the Philippines. Tinawag din itong National Historical Landmark noong 1976.

Hindi nasira ang San Agustin Church noong WWII. Sa likod ng malapad na façade ay nagtatago ang ornate interior na puno ng mga bagay na may great historical and cultural merit. May mga special features ang San Agustin Church tulad ng retablos (altar) na Baroque style, wall buttresses na naghihiwalay sa criptocollateral chapels, ang bell towers, at mga ceiling paintingsna tromp l’oeil style.

Isa ang San Agustin church sa mga pangunahing simbahan noong panahon ng Kastila. Pinagmumulan ito ng impluwensyang politikal noong araw.

Ang Spanish-Mexican baroque style a may Chinese and Philippines elements, ang kahoy na pinto na may mga nakaukit na religious symbols, at ang trompe-l’oeil murals sa kisame na ginawa ni Italian artists Giovanni Dibella at Cesare Alberoni ang ilan sa mga dahilan kung bakot napakaganda ng San Agustin Church. Nakabitin sa kisame ang mga 14th-century chandeliers. Meron ding choir loft na hand-carved ang mga upuang molave na 17th century pa ginawa. Meron din itong 14 side chapels, pulpito, tombstones sa sahig, at 18th-century pipe organ.

Dito nakalibing sina Miguel Lopez de Legaspi, Juan de Salcedo, Juan Luna, Martin de Goiti, Pedro A. Paterno, Trinidad Pardo de Tavera, at iba pa.

May park din ang San Agustín archaeological zone na nagtatampok sa pinakamalaking complex ng pre-Columbian megalithic funerary monuments and statuary, burial mounds, terraces, funerary structures, stone statuary at ang Fuente de Lavapatas.

Ang San Agustin Church at katabing Convento de San Agustin, ang provincial house and headquarters ng Augustinian Province of the Most Holy Name of Jesus of the Philippines of Spain mula 1575 hanggang 1901, na nalipat naman sa Madrid. Ibinalik ito noong 1927, sa panahon ng panunungkulan ni Fr. Gaudencio Castrillo, O.S.A. hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang mga Augustinian friars ng Province of the Most Holy Name of Jesus of the Philippines ang nangangalaga sa nasabing simbahan.