BAHRAINI KING AT CROWN PRINCE INIMBITAHAN NI DUTERTE SA PH

BAHRAINI KING AT CROWN PRINCE

INIMBITAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa bansa sina King Hamad bin Isa Al Khalifa at Crown Prince at Prime Minister Prince Salman bin Hamad Al Khalifa.

Ipinarating  ni Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje ang liham para sa imbitasyon ni Duterte kasabay ng official visit nito sa naturang bansa noong Disyembre 31, 2020.

Ayon sa Malakanyang, welcome naman sa Crown Prince at Prime Minister ang imbitasyon ni Duterte.

Sa ipinadalang liham, ipinarating ng Pangulo ang commitment ng gobyerno ng Filipinas upang mapalawak pa ang kooperasyon sa Bahrain.

Kabilang sa areas of interest ang trade and investment, kooperasyon sa edukasyon, human resource development, public health, Islamic banking at financial technology.

Comments are closed.