LULAN ng Gulf Air flight noong Friday ang isang Bahraini national pauuwi sa kanilang lugar upang papanagutin sa mga kasong pangagahasa at at iba pang sex crimes sa kanilang bansa.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente Ang suspek na si Waleed Abdulla Hamad Alsendi, 44-anyos na nahuli ng mga tauhan ng Fugitive search Unit (FSU) noong Pebrero 23 sa bahay nito sa Dasmariñas, Cavite.
Kasama ni Alsendi ang dalawang Bahraini Police na nagsilbing escort pauwi sa Bahrain na inutusan ng Public Prosecutors ng Bahrain upang kaharapin ang mga kasong kanyang mga nagawa.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, si Alsendi ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest na inisyu ng Public Prosecutors ng Bahrain na may kaugnayan sa mga kasong sexual assault at possession ng pornographic materials.
Nabatid na tumakas si Alsendi patungong Filipinas noong taon 2016 upang magtago at makaiwas sa kasong kanyang kinasasangkutan.
Kasabay nito, ipinalagay ng Bureau ang pangalan ni Alsendi sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan upang hindi na muling makabalik at makapasok sa Filipinas sapagkat isa siyang banta sa seguridad ng mga kababaihan sa bansa. FROILAN MORALLOS
910560 568416I recognize there is a great deal of spam on this website. Do you require aid cleaning them up? I may possibly assist in between courses! 483958