CAVITE-NAARESTO ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ang isang Bahraini na wanted sa kanilang lugar dahil sa kasong rape at pag-iingat ng malalaswang larawan.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Alsendi Waleed Abdulla Hamad, 43-anyos, nadakip noong Martes sa kanyang bahay sa Bgry. San Francisco II Damarinas, Cavite.
Sa report ng Bureau of Immigration, dumating si Hamad sa Filipinas noong Marso 2016, upang makaiwas sa pananagutan sa kanyang pang-aabuso sa isang bae sa apartment nito.
At dahil sa pag-isyu ng Bahrain Prosecutors Office ng Warrant of Arrest laban kay Hamad, bago ito tumakas papuntang Filipinas,nadakip ang suspek ng mga tauhan ng FSU sa bisa ng isang mission order na inisyu ng Department of Justice (DOJ) at sa tulong ng Interpol.
Agad na ipadedeport si Hamad na itinuturing na banta sa seguridad ng mga kabataan kababaihan. FROILAN MORALLOS
639158 295394Good post. I learn something far more challenging on different blogs everyday. It will always be stimulating to read content from other writers and practice a little something from their store. Id prefer to use some with the content on my weblog whether you dont mind. Natually Ill give you a link on your internet blog. Thanks for sharing. 880565
Wow that was odd. I just wrote an extremely long comment
but after I clicked submit my comment didn’t appear.
Grrrr… well I’m not writing all that over again. Anyhow, just wanted to say great blog!