“BAJAJ THREE-WHEELER: KAPARTNER SA BUHAY, KAPARTNER SA NEGOSYO”

By Glen Manoza

Biglang nagsulputan ang three-wheeler na tinawag nilang Bajaj. Ano ba ang ibig sabihin nito?

Actually, Punjab word iyon na ang ibig sabihin ay clothier o dealer of clothes. Ang full name nito ay Bajaj Auto Limited na flagship company ng Bajaj Group, isa sa sampung pinakasikat na negosyo sa India. Pag-aari ito ng Bajaj family ng halos 100 taon na. Ang 97-years Bajaj Group ay sikat sa paggawa ng motorcycle na sumusuporta sa Bajaj Auto and financial services arm, Bajaj Finserv.

Pinamumunuan ito ni Rahul Bajaj, at ang mga key officers ay mga pinsan niya. Namatay siya sa edad na 83 noong February 2022.

Bajaj Auto Limited ang pinakamalaking manufacturer ng three-wheelers at second largest manufacturer ng two-wheelers sa buong mundo. Ang headquarters nila ay nasa Pune, India, at nag-e-export sa mahigit 70 bansa sa buong mundo.

Speaking of Bajaj tricycle in Philippines, naestablisa lamang ito noong 2015 ng TriMotors. Sa ngayon ay mayroon na silang 5 Assembly Plants sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, na may layong magbigay sa mga pamilyang Filipino ng relevant at innovative modes of transportation, na ligtas, maayos, affordable, at pwedeng pangnegosyo at public transportation.

As of 11 March 2024, ang presyo ng regular na Bajaj Three Wheeler ay mula ₱182,888 hanggang ₱221,888. Ito ang tinatawag nilang Bajaj Maxima Z. Ang pinakamura ay ang TVS King na nagkakahalaga ng ₱178,900. Hindi ito gaanong magastos sa fuel dahil ang Bajaj Compact RE 3-Seater/CNG ay gagamit lamang ng isang litro sa 27.25 kmpl.

Si Tin Taller ang Marketing Communications Supervisor ng Bajaj Philippines | Trimotors, kumpanyang distributor ngayon ng Bajaj sa Pilipinas.