SA sobrang pag-aalala ni Heart Evangelista sa kumakalat ngayong COVID-19 ay siniguro niya na bukod sa kanila ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ay nilagyan na rin niya ng mask pati ang paborito niyang alagang aso na si Panda bilang proteksiyon.
Natuwa at naaliw nga ang mga netizen sa tweet ni Heart na kung saan makikita pati ang alagang aso ay nakasuot ng mask. Ipinapakita lang ng actress ang binibigay niyang pagmamahal at pagpapahalaga sa alagang aso na hindi lang sa luxury accessories niya ito binubusog, maging sa proteksiyon laban sa COVID-19.
Bukod sa suot na mask ay makikita rin ang nakasuot na leeg ng aso ang pearl necklace at Hermes scarf.
Mababasa tuloy sa mga comment ng tagahanga ni Heart ang inggit sa ibinibigay na pagmamahal ng actress kaya nangarap din sila na sana raw ay ampunin din sila ng kanilang idol para makatikim din ng kaginhawaan sa buhay.
Ang iba naman ay nangarap na sana raw ay sila na lang si Panda para maramdaman din nila ang ganoong pag-aalaga na bukod sa masasarap na pagkain ay binibihisan ng mga mamahaling gamit.
Ang tanong ay kailan naman daw magkakaroon ng katuparan ang pagkakaroon ng sariling anak si Heart.
KRIS AQUINO KINARGA NG ANAK NA SI BIMBY NANG MAAKSIDENTE SA BORACAY
MADALAS maaksidente si Kris Aquino. Kamakailan lang ay muli na naman siyang naaksidente sa tinutuyang unit sa Shangri-La Boracay.
Sa posting ni Kris sa breakfast nila ng anak na si Joshua sa nasabing hotel ay nasabi niya sa caption na nadulas siya habang papalabas ng shower.
Hindi inaasahan na bigla siyang natumba na kung saan tumama ang kanang bahagi ng kanyang katawan at napasigaw dahil sa sobrang sakit na nadama.
Sumaklolo agad si Bimby at agad siyang binalutan ng tuwalya ang ina. Pinagbawalan siya ni Bimby na gumalaw at baka raw may butong na-dislocate sa kanyang katawan. Hindi na pinatawag ni Kris ang kanyang staff dahil nagawa niyang tumayo sa pamamagitan ng kanyang kamay at tuhod.
Pero dahil hirap pa rin tumayo ni Kris, binuhat na lang siya ng kanyang bunso.
Uminom siya ng mild medicine para maibsan ang nadamang kirot sa kanang bahagi ng katawan.
Ang panganay niyang anak na si Joshua ang sumama kay Kris sa breakfast nila sa restaurant at ito na rin ang nag-alaga sa kanya.
Nakadama ng kasiyahan si Kris at blessed sa pagkakaroon ng dalawang anak na lagi niyang naaasahan sa mga ganoong pangyayari.
Sabi nga ni Kris ay tila hindi siya hinihiwalayan ng aksidente at lagi siyang nakararanas ng hindi magandang pangyayari sa buhay.
Comments are closed.