LAGUNA – MAITUTURING na “bonus” at malaking pakinabang sa isang pamilya sa panahon ng pandemya ang panganganak ng kambal ng kanilang alagang baka sa Bgy. Bayatesa bayan ng Liliw.
Ayon kay Jomar Pamatmat, sa loob ng mahigit na 12 taon nitong pag-aalaga ng baka ngayon lamang ito nangyari na malaking tulong para sa kanyang pamilya partikular sa pag-aaral ng mga anak nito.
Ani Pamatmat, sa pag-aalaga ng baka niya kinukuha ang karagdagan gastusin niya sa pamilya sa sandaling puwede na itong ibenta.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 13 ang alagang baka ni Pamatmat na maganda negosyo kaysa sa baboy na karaniwang tinatamaan pa ng sakit.
Samantala, ayon kay Laguna Provincial Veterinary chief Dra. Grace Bustamante, batay sa kanilang pag-aaral, lumilitaw na bihira sa panahong ito ang nanganganak ng kambal na baka. DICK GARAY
Comments are closed.