Sundin ang mga payo ng GCash para maiwasan ang fake online sellers at protektahan ang Send Money transactions gamit ang Express Send Checkbox
PASKO na naman, kaya’t uso ulit ang mga sale at bagsak presyong promo sa mga bilihin. Sabik man ang lahat na makamura sa Christmas shopping, nagiging talamak din ang pambubudol ng mga online scammer. Kung hindi maingat sa mga online transaction, madalas ay hindi napapansin ng mga Pilipino na fake seller na pala ang kanilang kausap hanggang sa huli na ang lahat.
Para matulungang protektahan ang mga Pinoy laban sa mga scammer at fake seller, naglabas ng mga paalala at gabay ang GCash kung paano mag “legit check” sa mga online seller bago ituloy ang transaction. Sa paglabas din ng Express Send Checkbox feature, may dagdag na paalala para sa mga GCash users na i-review ang details ng seller tuwing nagbabayad gamit ang Send Money.
Paano makahuli ng fake seller?
● Halos walang account history ang seller
Mag-ingat sa mga seller na wala o halos walang account history. Malimit gumawa ang fake sellers ng bagong account para makapanloko ng iba, lalo na kung na-block o na-report na ang kanilang profile. Kapag sa social media namimili, gamitin ang “page transparency” feature para ma-verify kung kailan nagawa ang page at ilang beses na itong nagpalit ng pangalan.
● Masyadong mababa mag-presyo ang seller
Kapag masyadong mababa at hindi kapani-paniwala ang mga presyong binebenta ng isang seller, malaking tsansang hindi nga dapat ito paniwalaan. Binababaan ng mga fake seller ang presyo ng kanilang bentahan kumpara sa average price ng mga bagay para makaakit ng mga mamimili.. Kung hindi nakakasigurado sa pagka-legit ng seller, i-check ang presyo ng isa o dalawa pang seller na nagbebenta ng parehong bagay para malaman kung tama ang bentahan ng napiling seller.
● Walang ibang post at review sa page ng seller
Kapag walang ibang post o review ang seller maliban sa bagay na gusto nilang ibenta, pwedeng bago lamang sila sa platform o hindi pa sila bihasa sa pagbenta online. Kapag bihasa at legit ang online seller, makikitang consistent ang paglagay ng posts, listing, at review sa kanilang mga social media page para bigyan ang mga mamimili ng kaukulang impormasyon tungkol sa kanila at sa kanilang mga binebenta.
Paano mag “legit check” ng online seller?
1. Tignan ang profile ng seller
Bago magbayad ng kahit anong produkto, suriing mabuti ang seller profile. I-search ang pangalan ng seller o ng online shop para makita kung legit ang business at walang ibang ginagayang pangalan.
2. Suriin ang seller reviews
Tingnan ang review ng mga seller at hanapin kung may mga reklamo tungkol sa kanila. Kung iba-ibang social media platform o website ang gamit ng seller, kailangan ding tignan kung may mga review o comments ang iba pang mga customer. Kapag may paulit-ulit na reklamo laban sa seller, maaaring karaniwang isyu ito ng seller na magbigay perwisyo din sa iyo.
3. Humingi ng payment-upon-delivery option
Tanungin ang seller kung pwedeng payment-upon-delivery ang transaction para masigurong nasa tamang kondisyon ang produkto bago ito mabayaran.
4. Magbayad gamit ang GCash
Kapag nagbabayad ng mga pinamili lalo na mula sa online sellers, gumamit ng secure mode of payment gaya ng GCash. Sa Express Send Checkbox feature ng GCash, lahat ng user ay pinapaalalahanan na i-legit check muna ang online seller bago ituloy ang transaction. Bago makapag-Send Money sa online seller, sinisigurado ng Express Send Checkbox na na-verify na ng user na legit ang tatanggap ng pera at tama ang amount na ibabayad sa kanya.
Sa dami ng mga alalahanin ngayong Pasko, ‘wag nang idagdag pa ang maaaring maging perwisyo kapag nahulog sa panloloko ng mga fake seller. Manatiling maingat sa pag-shopping online at palaging i-legit check ang mga seller, online shop, maging ang mga bilihin para tuluyang ma-enjoy ang pamimili ngayong Pasko. Higit sa lahat, gumamit ng GCash para secure ang mode of payment sa bawat transaction.
Kapag nakaranas ng phishing scam at anumang panloloko sa inyong GCash account, i-report agad sa GCash Help Center na makikita sa inyong app o sa help.gcash.com. I-message si Gigi sa website at i-type ang “I want to report a scam.”