BAKASYON GRANDE GAMIT ANG YATE

SA dinami-rami ng vacation possibilities, cruising Ang hindi masyadong popular sa Pilipinas. Pero teka lang! Kung tutuusin, isa itong floating haven, na nangangako ng walang katapusang excitement, at mga karanasang “hindi lang pampamilya, pang-sports pa!”

Simulan natin ang ating nautical odyssey sa pagtalatakay sa hiwaga ng cruise vacation
Funny, pero tayong mga Filipino, naturingan pa namang mga islanders, ay walang sea faring harmony. Ibig kong sabihin, maraming Pinoy ang takot sumakay sa barko — sa Dami naman kasi ng mga aksidente sa dagat na ni hindi na natagpuan ang bangkay.

Ngunit ang cruise vacations kung tutuusin ay bagay na bagay sa pamilya. Una, mas mura ito, at pangalawa, mas matagal ang bonding. Kung minsan nga, libre pa ang pamasahe ng Batang wala pang seven years old. At discounted pa ang mga estudyante at grandparents.

May shared adventure sa cruise vacation na angkop sa lahat ng henerasyon. Isa itong floating microcosm kung saan naroon ang pinagsama-samang entertainment, relaxation, at exploration. Ang charm ng cruising ay nasa kakatagan nitong i-accommodate ang iba’t ibang interes. Gusto ng mga grandparents si FPJ, gusto naman ng parents ang massage at spa retreat, at ang kabataan naman at gusto ng adventure. Lahat yan, meron sa cruise vacation.

Ang maganda pa dito, pwede rin itong educational trip. Natuwa ka na at na-relax, Naruto ka pa.

Ang totoong pintig ng remarkable cruise experience ay kung maganda ang serbisyo. Napakarami ngayong travel agencies ang ang mapapagpilian para maf-organize ng cruise vacations. May naaarkila ring mga yate o kaya naman ay cruise liners, kung saan sila na rin ang nagpo-provide ng ng kapitan at timon para sa mga pasahero .

Sa kasalukuyan, kinikilala ang Pilipinas na Asia’s Best Cruise Destination 2023 at nakatanggap pa ng World Cruise Awards sa Dubai, United Arab Emirates.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, malaking bagay sa Turismo ng bansa dahil nangangahulugan itong pinahahalagahan ng mundo ang magaganda nating island destinations.

Isa umano itong patunay na maipagbamalaki natin ang Pilipinas bilang isang cruise destination. Validation din umano ito ng collective dedication ng tourism industry at Department of Tourism.

Dapat umano nating ipagpasalamat na kinikilala ba tayo ngayon sa pahbibigay ng exceptional cruise experiences.
Pinarangalan din kasabay ng Pilipinas ang India, Japan, Singapore, South Korea, Sri Lanka, Taiwan, Thailand at Vietnam.

Ang Pilipinas ay may 128 ports of call o cruise calls para sa 33 destinations sa bansa.

Inaasahang magbibigay ang mga cruise ships ng serbisyo da 101,000 pasahero at may 50,000 crew.

Ang World Cruise Awards ay taunang programa na kumikilala sa kahusayan ng cruise industry, na affiliated sa World Travel Awards. (Jayzl Villafania Nebre)