CAMARINES SUR – NAPAHABA ang bakasyon ng mga mag-aaral sa lalawigang ito makaraang ipag-utos ni Governor Miguel Luis Villafuerte na iantala ang pagbabalik-eskuwela sana ngayong araw.
Layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng lahat, lalo na ang mga mag-aaral, at mabigyan pa ng panahon ang biktima ng bagyo na makarekober.
Minabuti nito na suspendihin ang klase sa lahat ng antas mula bukas hanggang Enero 5, 2019.
Nauna nang isinailalim sa state of calamity ang lalawigan dahil na rin sa pinsalang iniwan ng bagyong Usman.
Magugunitang idinepensa ng PDRRMC ang kawalan ng presensiya ng gobernador sa gitna ng trahedyang nararanasan ngayon sa probinsiya.
Ayon kay Analiza Macatangay tagapagsalita ng PDRRMC, bagaman wala ang gobernador ngunit mahigpit naman ang ginagawa nitong monitoring sa kalagayan ng lalawigan. AIMEE ANOC
Comments are closed.