‘BAKBAKAN’ MAY PINAKAMARAMING ENTRIES NGAYONG TAON NA UMABOT SA  8,213 BREEDERS

FIGBA

KASAYSA­YAN  muli ang ginawa ng International Fede­ration of Gamefowl Breeders, Inc. o FIGBA nangPUSONG SABUNGERO magtala ang kanilang grupo ng sumali sa NA­TIONAL BAKBAKAN 12 STAG DERBY na umabot sa 8,213. Sa halos 20 taon na tayo po ang media partner ng FIGBA, ako po ay nagpapaabot ng aking pagbati at CONGRATULATIONS sa isa na namang matagumpay na pasabong kung saan ito ay taon-taong pinananabikan ng libo-libong sabungero sa buong Filipinas at ngayon, pati na ang mga kaibigan natin sa Guam, Saipan o ang MARIANAS GAMEFOWL BREEDERS ASSOCIATION, ang kauna-unahang kasaping ibang bansa sa FIGBA.

Ang maglalaban-laban sa grand finals ay 32 entries na umiskor ng 6.5 points samantalang 44 entries naman ang pumuntos ng 7 panalo. SINO KAYA ANG TATANGHA­LING KAMPEON? Ngayong Linggo ay magkakaalaman kung sino ang mag-uuwi ng korona sa kanyang lokal na asosasyon. Magmula noong 2001 kung saan 192 entries lamang ang naitala at ngayon ay higit na sa 8,000, akala ko ay recod na ang 7,013 noong 2017 subalit records are meant to be broken, ika nga.

Marahil isa sa mga dahilan kung bakit napakaraming sumali ay dahil sa napakalaking papremyo na P80 MILLION GUARANTEED, pinakamala­king papremyo bukod sa pinakamaraming  entry na sumasali kada taon. Bukod sa laki ng papremyo ay malaking bagay rin ang integridad at katapatan ng mga namumuno rito. Unquestionable integrity, PATAS, MAGA­LING AT MARANGAL,  mga katagang nakilala ang FIGBA ‘di lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Dahil sa tagumpay ng BAKBAKAN ay lalong sumisigla ang sabong sa bansa kung saan marami na ring grupo ang nagsulputan at gumawa na rin ng pasabong tulad ng DIGMAAN, BARKADAHAN, SALPUKAN at iba pa. Ito po ay napakaganda sa industriya dahil taon-taon ay patuloy ang pagpapalahi kahit saan sa buong bansa, makabibili  na rin ng mga dekalidad na materyales sa mga nagpapalahi, mga gamot, suplemento, patuka at iba pa.

Ngayon ay isa nang napakalaking industriya ang pag-aalaga ng manok na panabong. Ayon sa tala ay umabot na sa higit kumulang sa P50 BILLION ang tinutustos ng bawat Filipinong  sabungero  sa libangang ito. Kung atin  pong susuriin nang mas malalim, makikita po natin sa bilang lamang ng sabungan na mahigit isang libo na ang mga oportunidad na magparami ng manok dahil wala nang tigil ang sabong sa bansa.

Malayo na pong talaga ang inabot ng sabong sa ating bansa at sa akin pong pananaw ay lalo pang lalago ang industriyang ito. At dahil dito, napakagandang biyaya na naman ang naghihintay sa lahat ng magnenegosyo sa anumang aspeto ng pag-aalaga  ng manok panabong. Patuka, gamot, suplemento, kagamitan, tari at marami pang iba ang ilan lamang sa puwedeng pagkakitaan at siyempre ang pinakamalaki ay pagpapalahi ng mga manok panabong.

Inaanyayahan ko po kayong lahat na dumalo sa darating na WORLD GAMEFOWL EXPO na gaganapin sa JANUARY 18-20,2019 sa WORLD TRADE CENTER. Dito po ay inyong matutunghayan sa isang  lugar lamang kung gaano na kalaki at kalayo ang inabot ng sabong sa bansa. Sabi nga ng isang aficionado THE GAMEFOWL INDUSTRY IN ONE ROOF!!!

Binabati ko po si Doc Ayong LORENZO sa kanyang kaarawan noong Disyembre 10 at si Mayor Juancho Aguirre noong Disyembre 8, mga kaibigang matalik na malaki ang kontribusyon sa ating industriya.

Comments are closed.