Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
12 noon – Opening Ceremonies
2 p.m. – UP vs UE (Men)
4 p.m. – NU vs UST (Men)
MATAPOS ang puspusang paghahanda sa off-season, umaasa ang University of the Philippines na makasasambot ng puwesto sa ‘Final Four’ sa UAAP men’s basketball tournament ngayong taon.
Walang ibang hangad si coach Bo Perasol kundi ang makita ang kanyang koponan bilang ‘Winning Maroons’ ngayong season.
“We have prepared for this season the best way we can. I believe we are ready to battle,” wika ni Perasol.
Mapapalaban ang UP sa University of the East sa pagsisimula ng aksiyon sa Season 81 ngayong alas-2 ng hapon sa Mall of Asia Arena.
Sa isa pang laro sa alas-4 ng hapon ay magsasagupa naman ang season host National University at University of Santo Tomas.
Tampok sa opening day doubleheader sina Joe Silva na nasa kanyang collegiate debut para sa Red Warriors, at Aldin Ayo na maglalaro para sa Growling Tigers.
“We will play UE the way we are supposed to play any other team. We are focused on what we can do,” ani Perasol.
Sa wakas ay maglalaro na si Bright Akhuetie para sa Maroons, kung saan ang Nigerian powerhouse ay inaasahang kakamada ng malaking numero tulad ng kanyang ginawa sa NCAA.
Umaasa naman si graduating guard Paul Desiderio na matatandaan siya bilang isa sa players na nagbalik sa UP sa ‘top four’, habang gaganap din ng krusyal na papel ang magkapatid na Juan at Juan Gomez de Liaño, Jun Manzo at Gelo Vito.
Malaki ang respeto ni Silva sa Maroons, na huling nakalusot sa eliminations noong 1997.
“UP is a very strong team. In fact they are contenders for.the Final Four. We are excited to play and see how we fare against them. Our team is ready for today’s game versus UP,” sabi ni Silva.
Nakapag-adjust na si Alvin Pasaol, kumana ng 49 points sa isang elimination round game noong nakaraang season, kasama sina holdovers Philip Manalang, Jason Varilla, Chris Connor at transferee Ric Gallardo, ang sistema ni Silva kung saan target ng Warriors na wakasan ang kanilang nine-year Final Four drought.
“We will give our best and fight our hardest. We will focus on doing our jobs and doing the right things,” dagdag pa ni Silva.
Pangungunahan naman ni Gilas Cadets standout Troy Rike ang batang lineup ng Bulldogs na kinabibilangan din ng magkapatid na Shaun at Dave Ildefonso, John Galinato, Enzo Joson at John Lloyd Clemente, kasama si Issa Gaye na magmamando sa gitna.
Comments are closed.