BAKBAKAN NG MILITAR, NPA: 49 PAMILYA LUMIKAS

NUEVA VIZCAYA- NAPILITANG lumikas ang umaabot sa 49 na pamilya mula sa Brgy. Abuyo, Alfonso Castañeda sa lalawigang ito kasunod nang naganap engkwentro ng militar at mga miyembro ng NPA.

Ayon kay Philippine Army (PA) 84th Infantry Battalion Commander, Lt. Col. Jerald Reyes, sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo sa Brgy Abuyo, Alfonso, Castaneda.

Ito ay matapos na i-validate ng militar ang natanggap na impormasyon ukol sa umanoy pamamalagi ng mga rebelde sa Sitio Marikit na bahagi ng naturang barangay.

Natunton ng militar ang mga miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla Tarlac-Zambales na pinaniniwalaang magsasagawa ng mga krimen sa lugar, kaya’t agad sinalakay ang mga ito.

Tumakas naman ang mga rebelde ngunit agad namang nagsagawa ng pursuit operation ang militar.

Walang nasugatan sa magkabilang habang patuloy na inaalalayan ang mga residente na kinailangang lumikas.
Ang Nueva Viscaya ay dati nang idineklarang insurgency – free province. EVELYN GARCIA