SA KASALUKUYAN ay walang malinaw na kasagutan sa kung sino ang maaaring makasungkit ng Best Player of the Conference award sa PBA Governors’ Cup.
Ito ay dahil wala sa top 5 players sa statistical race ang kabilang sa finalists – Barangay Ginebra at Meralco.
Pinangunahan nina June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, CJ Perez ng Columbian, Christian Standhardinger ng NorthPort, Kiefer Ravena ng NLEX at Jayson Castro ng Talk ‘N Text ang listahan sa pagtatapos ng semifinals – at ang bawat player ay malaki ang pag-asa na makopo ang award.
Si Fajardo, nagtatangka sa kanyang ika-9 na BPC plum, ay nangunguna sa stats race na may average na 38.8 statistical points, na nagmula sa averages na 19.3 points at 14.0 rebounds per game.
Nakalikom naman si rookie Perez ng 37.2 stat points makaraang mag-average ng league-best 23.2 points sa elimination round, kasama ang 8.1 points at 3.5 rebounds.
Samantala, si Standhardinger ay nakakolekta ng 35.1 SPs matapos na magposte ng double-double of 17.6 points at 10.5 rebounds per game sa conference.
Pumang-apat si Ravena sa kanyang pagbabalik mula sa suspensiyon na may 34.5 SPs na may norms na 16 points, 7.8 assists, at 5.5 rebounds per game. Kinumpleto ni veteran Castro ang Top 5 sa pagtala ng 31.6 SPs sa 14.9 points, 5.9 assists, at 4.4 rebounds per game.
Tatlong Ginebra stalwarts- Stanley Pringle (30.8), Japeth Aguilar (29.9) at LA Tenorio (28) – ang nasa labas ng ‘Magic 5’ kasama sina RR Pogoy ng TNT (30.4) at Chris Newsome ng Meralco (29.8).
Katabla ni Tenorio sa 10th spot si Magnolia’s Ian Sangalang (28) habang ang top 15 ay binubuo nina Bobby Ray Parks (27.5), Raymond Almazan (27.4), Jeth Troy Rosario (27) at Matthew Wright (26.8).
Samantala, muling nag-aagawan sa Best Import Award sina two-time Best Import Allen Durham at one-time winner Justin Brownlee.
Lumalaban din para sa Best Import honors sina KJ McDaniels ng TNT at Michael Qualls ng NorthPort.
Gayunman, ang karera ay inaasahang paglalabanan na lamang nina Brownlee at Durham makaraang pangunahan ng dalawang players ang kani-kanilang koponan sa finals ng conference.
Nakakolekta si Brownlee ng 57.2 SPs, na may average na 29 points, 13.6 rebounds, at 7.2 assists, habang si Durham ay may average na 56.9 SPs na may norms na 30.9 points, 15.2 rebounds, at 6.5 assists per game.
Comments are closed.