Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
9 a.m. – UPIS vs NU (Jrs)
11 a.m. – UE vs AdU (Jrs)
1 p.m. – FEU vs UST (Jrs)
3 p.m. – Ateneo vs DLSZ (Jrs)
MAHIGPIT na naglalaban-laban para sa ikalawang twice-to-beat slot sa Final Four, target ng Far Eastern University-Diliman, Ateneo at Adamson University ang krusyal na panalo sa UAAP Season 81 juniors basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.
Makakasagupa ng Baby Tamaraws at ng Blue Eaglets, tabla sa ikalawang puwesto sa 9-3, ang University of Santo Tomas at De La Salle-Zobel, ayon sa pagkakasunod, sa televised matches sa ala-1 at alas-3 ng hapon.
Makakaharap naman ng Baby Falcons, may 8-4 kartada sa solo fourth, ang University of the East sa alas-11 ng umaga.
Sisikapin ng National University na pormal na makuha ang No. 1 ranking sa Final Four sa pagkikipagduelo sa UP Integrated School sa alas-9 ng umaga.
Walang talo sa second round, tangan ng Bullpups ang best record sa liga sa 11-1.
May isang laro na naghihiwalay sa tatlong koponan, hindi maaaring matalo ang FEU-Diliman, Ateneo at Adamson sa kanilang huling dalawang elimination games kung nais nilang makuha ang kinakailangang bentahe sa Final Four.
Mapapalaban sa Mark Nonoy-led Tiger Cubs, nais ni coach Allan Albano na mag-focus ang kanyang Baby Tamaraws papasok sa huling dalawang elimination games para makopo ang inaasam na No. 2 slot.
“’Yun ang kailangan namin, consistency,” ani Albano.
Sa susunod na Linggo ay makakabangga ng FEU-Diliman ang NU, habang makakasagupa ng Ateneo ang Adamson sa kanilang huling elims game.
Kapag nawalis ng huling dalawang juniors’ basketball champions ng liga ang kanilang nalalabing dalawang laro, magkakaroon ng playoff para sa No. 2 slot.
Comments are closed.