Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
6:30 p.m. – Ginebra vs NorthPort
KAILANGANG isantabi ni Tim Cone ang lahat ng selebrasyon kasunod ng golden feat ng Gilas Pilipinas sa katatapos na 30th South-east Asian Games.
Nakapokus ngayon si Cone at ang Kings sa NorthPort Batang Pier sa pagsisimula ng PBA Governors Cup semifinals.
Makalipas ang mahigit dalawang linggong pahinga upang bigyang daan ang hosting ng bansa sa SEA Games, sasagupain ng Kings ang eight-seeded Batang Pier sa alas-6:30 ng gabi sa Game 1 ng kanilang best-of-five semifinals sa Smart Araneta Coliseum.
At batid ni Cone na hindi maaaring balewalain ng Kings ang upset-conscious Batang Pier, na mataas ang morale makaraang sibakin ang no. 1 seed NLEX sa quarterfinals.
“We know NorthPort is coming in with a lot of confidence and momentum after knocking out the no. 1 seed,” wika ni Cone.
Ang Batang Pier ay umabante sa semis sa pagsasanib-puwersa nina Christian Standhardinger, Sean Anthony, at import Michael Qualls.
Subalit kumpiyansa ang champion coach sa magiging laro ng Kings sa semis dahil inihanda ni assistant mentor Olsen Racela ang koponan sa loob ng dalawang linggong wala si Cone, kasama si top deputy Richard Del Rosario na tumutupad sa kanilang tungkulin sa national team.
“Coach Olsen did a great job of keeping our guys sharp and ready during the SEA Games,” ani Cone, na ginabayan ang Gilas Pilipinas sa isa pang gold medal finish sa biennial meet makaraang gapiin ang Thailand sa finals.
Apat na Ginebra players, sa katauhan nina Japeth Aguilar, LA Tenorio, Stanley Pringle, at Greg Slaughter, ang kasama ni Cone sa national team.
“Those players who participated in the SEA Games are pumped up to get the semis going,” ani Cone. CLYDE MARIANO
Comments are closed.