Umaasa sina CJ Cansino at Evan Nelle na tapusin ang kanilang collegiate careers bilang kampeon sa pagsisimula ng UAAP men’s basketball Finals series ng UP at DLSU ngayong Miyerkoles. UAAP PHOTO
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
8 a.m. – AdU vs Ateneo (Boys)
10 a.m. – UST vs UPIS (Boys)
12 noon – NU vs UST (Women Finals)
6 p.m. – UP vs DLSU (Men Finals)
SISIMULAN ng University of the Philippines at La Salle ang kanilang kauna-unahang UAAP men’s basketball best-of-three championship series ngayon sa Mall of Asia Arena.
Papasok ang top-ranked Fighting Maroons sa 6 p.m.contest na may five-game winning streak, kabilang ang 57-46 panalo laban sa Ateneo na tumapos sa paghahari ng Blue Eagles noong nakaraang Sabado.
Samantala, ang Green Archers ang pinakamainit na koponan sa liga, nagwagi ng siyam na sunod. Ang La Salle, hindi pa nakatitikim ng talo magmula nang malasap ang 64-67 first-round loss sa UP, ay sasandal sa 97-73 rout sa National University sa isa pang Final Four match.
Nakatakda ang laro sa alas-6 ng gabi.
Masaya si CJ Cansino na ang off-season preparations ng Fighting Maroons ay unti-unting nagbubunga.
Ang UP, tinapos ang 36-year title drought sa Season 84 bubble, ay agad sumalang sa training makaraang matalo sa Ateneo noong nakaraang taon.
“Sobrang happy ako kasi lumabas kung ano mang tinrabaho namin for the last 10 months,” sabi ni Cansino.
“Happy ako na for my last year, pumasok kami ng Finals,” dagdag pa ng Fighting Maroons skipper.
Sa wakas ay malusog na kasunod ng kanyang ikalawang career ACL injury na natamo noong Mayo ng nakaraang taon, nagpahayag din si Cansino kung gaano siya kahanda sa finals.
“Mas prepared ako. Yung katawan ko, physically and mentally, mas prepared ako sa Finals na ito,” sabi ni Cansino.
Target ang 10th championship, sisikapin ng Green Archers na wakasan ang seven-year heartbreak.
Umaasa si first-year coach Topex Robinson na maihahatid ang La Salle sa kanilang unang titulo magmula nang madominahan ng Ben Mbala-led crew ang 2016 competition.
Para sa Green Archers, sasandal sila kay Kevin Quiambao, ang leading MVP candidate na ganap nang nayakap ang sistema ni Robinson.
“When I took the job, I told the players it’s either you win a championship or you die trying,” sabi ni Robinson. “If you’re representing a program that’s rich with tradition, you’re put in a situation to honor the teams and the players that came before you.
“I’m just so grateful for the opportunity to represent DLSU because of the championships it has won. I just told the players that we’re not a part of it. We could etch our own names in that rich tradition,” dagdag pa niya.
Umaasa si Robinson na magiging handa ang kanyang tropa sa anumang maaaring ipakita ng katunggali sa series. “We have an opportunity now, and that’s why we want to make sure that we will take care of that opportunity and not just roll down and just die swinging. We’re just gonna give a good fight against UP,” sabi ni Robinson.