BAKBAKANG UMAATIKABO: LA SALLE VS ATENEO

UAAP BASKETBALL

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

12 noon – UST vs UE (Men)

4 p.m. – Ateneo vs DLSU (Men)

ASAHAN ang mainit na bakbakan sa paghaharap sa unang pagkakataon ng  defending champion Ateneo at La Salle sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.

Nakatakda ang sagupaan ng dalawang pinakamahigpit na magkatunggali  sa liga sa alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng University of Santo Tomas at University of the East sa alas-12 ng tanghali.

Nagpamalas ang Blue Eagles ng championship form matapos ang nakagugulantang na pagkatalo sa opening day, kung saan magaan nitong dinis-patsa ang mga sumunod na kalaban para makopo ang ikalawang puwesto na may 4-1 kartada.

Nahirapan naman ang Green Archers matapos ang biglaang pag-alis nina coach Aldin Ayo at two-time MVP Ben Mbala, kung saan nagtamo pa ng injuries sina key players Taane Samuel at Kib Montalbo.

“For sure, it’s going to be a highly-emotional game,” wika ni Ateneo assistant coach Sandy Arespcochaga. “Of course, it’s an Ateneo-La Salle game. So it’s gonna be fun. It’s gonna be exciting. There’s gonna a lot of energy from both teams.”

Sa kabila ng hindi kagandahang 3-2 kartada ng katunggali, batid ni Arespacochaga na nakahanda ang kanyang tropa sa maaaring ipakita ng Archers sa kanilang rivalry game.

“We got to be ready. We got to prepare well, just like any other game. But at the same time, we cannot pretend that it is just an ordinary game. We also have to get to manage our emotions. Not too high. Not too low. Because for sure, our opponents will come out aggressive,” ani Arespacochaga.

Hindi na bago kay Louie Gonzalez, ang bagong coach ng La Salle, ang matagal nang rivalry ng dalawang koponan, kung saan dati na nitong nahawakan ang Arches nang masuspinde si Ayo sa kanilang first round  showdown sa Ateneo, dalawang taon na ang nakalilipas.

Alam niya ang kahalagahan ng larong ito, kung saan kapuwa pinagbubuti ng Eagles at Archers ang kanilang performance sa tuwing sila ay maghaharap.

“If you are playing for La Salle and if you are going up against Ateneo, alam mo na kung ano’ng dapat mong gawin. Wala na kaming sasabihin kung ano mang motivation. Hindi na kailangan pang i-motivate sila. They know na that’s one of their responsibilities,” ani Gonzalez.

Comments are closed.