‘BAKED TREATS’ NI JANICE DE BELEN 3 TAON NANG MABENTA ONLINE

NGAYONG tapos na ang kanilang teleserye na The General’s Daughter sa entra eksenaKapamilya network ay mas matututukan na uli ni Janice de Belen ang  kanyang Baked Treats na tatlong taon nang namamayagpag online.

Mayroong polvoron, cookies, at mayroon ding mga ready-to-eat na pagkain. Kahit busy ang actress sa kanyang showbiz career at pagiging ina ay pinagtuunan niya ng  pansin ang Kitchen of Super Janice na maraming views sa kanyang YouTube channel dahil pinapanood talaga siya ng maraming Moms sa buong bansa.

Marami rin kasing bagong recipes si Janice at sinusundan talaga ang mga putaheng kanyang mga niluluto sa Kitchen of Super Janice. Mabenta rin online ang pastries ng actress at hindi siya napapagod sa business niyang ito.

FANS NI CLAIRE DELA FUENTE SUSUGOD DIN SA PHILIPPINE ARENA NGAYONG GABI

MAS lalong gumanda ngayon si Ms. Claire dela Fuente dahil alaga siya ng kilalang CLAIRE DELA FUENTEbeauty clinic at certified baker na rin ang tinaguriang “Karen Carpenter of the Philippines.” At dahil Christmas season ay puwede na ninyong ma-download sa ilang digital platforms ang “The Christmas Song” na duet nina Claire at Hollywood Pop Icon na si Michael Bolton na included sa kanyang Christmas album na na-release last 2009 under Viva Records.

Isa sa malaking achievement ng career ni Ms. Claire na makatrabaho si Michael at Richard Carpenter. At sa anniversary concert ng kumareng si Imelda Papin ay excited na rin ang lahat ng fans ni Claire na sumugod sa Philippine Arena para mapanood ang kanilang idol na kakantahin ang ilang hits nito noong 80s tulad ng Nakaw Na Pag-ibig, Paminsan-Minsan at Sa­yang na kanyang signature song.

MAS PINALAKING PAPREMYO SA SWITCHING NG SUGOD BAHAY AT PRIZES ALL THE WAY

 ANG Juan For All, All For Juan ay napunta na sa Barangay APT sa Marcos Highway at ang Prizes All The Way na dating nasa APT Studio ay mapapanood na sa iba’t ibang barangay sa Mega Manila kung saan susugod sina Dabarkads Pia Guanio at Ryan Agoncillo para doon ipagkaloob ang premyong wish ng dabarkad.

Ang saya ng nangyari sa switching ng dalawang public service segments, mas marami ang magi­ging masaya at mas lalong pinalaki ang papremyo. Sina dabarkads Anna Marie ng Sta. Mesa at Nanay Teresita ng Caloocan ang dalawa sa buena manong nabigyan ng sandamakmak na prizes sa Juan For All, All For Juan sa Barangay APT.

Comments are closed.