MALABON CITY– PATAY ang isang 59-anyos na bakery helper matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gun-man kamakalawa ng gabi.
Si Eddie Gonzales ng 192 Phase 1 Gozon Compound, Brgy. Tonsuya ay binawian ng buhay sa Caloocan City Medical Center habang nilalapatan ng lunas sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.
Sa imbestigasyon nina police homicide investigator P/SSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Philip Cesar Apostol, nakatayo ang biktima sa labas ng isang computer shop malapit sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek at pinagbabaril ito sa katawan.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon ang gunman habang isinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang pagamutan.
Ipinag-utos ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao sa kanyang mga tauhan ang follow-up na imbestigasyon sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. EVELYN GARCIA
Comments are closed.