NGAYONG buwan ng Disyembre, ito ‘yung panahon na maraming magkakamag-anak at magkakaibigan na nagsasama-sama.
Bagama’t maraming nakakuwentuhan ang Kaliwa’t Kanan na parang hindi raw Disyembre at parang hindi Pasko, na ipinagdiriwang ng mga Katoliko tuwing December 25. Mas maraming nagsasabi na hindi raw nila ma -feel na Pasko na. Bakit kaya?
Marami nang mga bata ang makikita sa kalye upang mamasko. Hindi lang ‘yun, ‘di ba marami na ring nagbibigay ng mga sobre, andiyan ang mga basurero. ‘Yung mamumutol ng koryente, ‘yung mga nagdaraos ng mga party at marami pang iba.
At hindi lamang ‘yan, ‘yung mga nagdadala ng mga statement of account mula sa mga bangko , aba’y inipon at saka dadalhin kasama ang sobre ng pamasko raw.
Andiyang nagsilabasan ang mga Badjao kung saang galing na lugar at mas dumami ang mga namamalimos o sinasabi nilang namamasko sa lansangan.
Hindi kakayanin ng mga kinauukulan dahil para silang mga kabuteng nagsipagsulputan.
Subalit sabi nga, tayong mga Pinoy ay nakaugalian na magsama-sama sa panahong sinasabi ng mga Katoliko na Kapaskuhan at Bagong Taon.
Minsan pa nga, ito ang nagiging daan para sila magkaroron ng reunion.
Pero ano nga ang bukambibig ng mga magkakamag-anak kamag nagkikita?
Imbes na magkumustahan ay mayroong mga patutsada kaagad na “Hoy, bakit ang taba-taba mo?”
Mag-diet ka naman.
Hindi nila naisip na maaaring magdulot ito ng psychological effect sa isang tao kung saan ang pagsasabi ng ganito ay body shaming.
Salitang minsan ay ayaw nating marinig lalo na kung tayo ang tinatamaan o dahil sa ating katakawan ay naging obese na. ‘Yung nagkaroon na ng inferiority complex dahil sa hirap nilang magpapayat .
Na hindi nakikita na sinasarili na lamang ang kahihiyan o nagkakaroon ng negatibong dating sa taong pinagsasabihan na “yanong taba mo na!
‘Di ba, ito ang nakakairitang bati minsan ng ating mga kamag-anak o kakilala sa tuwing magkakaroon ng ganitong okasyon.
‘Yung hindi iniisip ng taong nagsasalita ang kanyang mga sinasabi na nagdudulot ng anxiety sa mga taong mahihina ang emosyon na sinabihan nila ng maselang salita.Mayroon pa riyang ikukumpara sa ibang mga kamag-anak na hindi mataba.
Napakarami nga namang puwedeng sabihin o pag-usapan ,bakit hindi na lamang tanungin kung ano’ng mga pinagkakaabalahan ng bawat isa.
Pag-usapan ang mga bagay na magaganda na ipinost nila sa social media or kung anong latest na isyu sa mga artista kaya. Ang Katniel!
Dapat na maging bukas tayo sa positibo at sensitibo sa ating mga kausap. Ang posibleng pag- iwas sa mga sensitibong paksa ay maaaring makatulong para higit na maging masaya ang pagkikita ng mga magkakamag- anak o magkakaibigan.
“Tara na sa Palasyo”
Mas mabuti pa marahil na magtungo na lamang sa Malacanang ang mga nais na mamasyal.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay binuksan ng Palasyo ang ang pinto nito kung saan naglagay sila ng mga rides at carnival .
Libre ito basta sasailalim sa security check ng PSG ang mga magsisitungo rito.
Nakakatuwang isipin na kahit na nga ang karamihan ay hindi maramdaman ang okasyon ngayong Disyembre ay masaya naman silang makapunta sa Malacanang.
Sabi nga ni Usec Cesar Chavez, tara na sa palasyo at hindi sila magsisisi sa pagtungo dito dahil mag-eenjoy ang lahat lalo na ang mga bata.