BAKIT AYAW MAG-START ANG ENGINE

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Bakit nga ba ayaw mag-start ang sasakyan? Lubhang nakaiirita, ‘di po ba mga kapasada lalo pa at nag-mamadali ka sa umaga pa-ra pumasok sa tanggapan o kaya ay maki­pagtagpo sa isang mahalagang ka-appointment. Gayundin kung ikaw ay nagmamadali pagkalabas sa trabaho upang hindi abutin ng buhol ng trapik sa iyong karaniwang ruta.

Ito at marami pang mga katanungan kung bakit ayaw mag-start ang sasakyan sa pa­nahong sila ay nagmamadali.

ENGINE START.jpgNaantig ang pitak na ito na saliksikin sa pamamagitan ng mga expert mechanic nang isang umaga ay nagdadabog at puno ng hinagpis ang babaeng kapitbahay nang biglang ayaw mag-start ang kanyang sasakyan.

Sa pakikipanayam kay Mang Boy Feliciano, may-ari ng isang talyer sa Cruz Compound sa lungsod ng Pa-ra­ñaque, natanong ko kung ano kaya ang posibleng dahilan ng hinagpis ng aming kapitbahay tungkol sa ‘di pag-start ng kanyang sasakyan isang umaga na siya ay nagmamadali para tumugon sa isang ap-pointment?

Ayon kay Mang Boy, may mga ilan-ilang dahilan tayong puwedeng matukoy kung ano ang possible cause nito tulad ng:

a. maaaring battery
b. ignition switch
c. ignition module
d. ignition coil
e. fuel pump/injector
f. computer box o simpleng fuse lamang

PAANO MALALAMAN ANG DAHILAN

Kung ayaw mag-start ang engine, lalo na sa umaga, kailangang i-check-up ang battery. Kung mabilis ang redondo ng starter, meaning, okay ang battery.

Tingnan kung mayroon bang lumalabas na koryente sa high tension wire habang ito ay ikina-crank sa pamamagitan ng pagpasok ng isang screw driver sa ground o kahit anong parteng bakal ng makina na pinakamalapit sa iyo na may 1/8 of an inch ang agwat at tingnan kung may tatawid na koryente o kaya ay kung mag-i-spark.

ENGINE CHECKHuwag hahawakan ang bakal na parte ng screw driver upang ‘di ma-shock sa dadaloy na koryente.

Kung may spark, meaning the ignition system is okay at wala itong problema.

Sakaling walang lumabas na spark, bunutin naman ang high tension wire na nakakabit sa distributor na galing sa ignition coil at gawin ang ginawa sa kabitan ng spark plug wire at tingnan kung may spark.

Kung wala rin, maaaring sira ang ignition coil at kung may spark ang coil at walang lumalabas na koryente sa linya ng spark plugs, posibleng sira ang rotor o cap ng distributor.

Sakaling walang lumalabas na koryente sa coil, may posibilidad ayon kay Mang Boy na may problema ang ignition module. Aniya pa, kung buo ang lahat ng ito ngunit walang koryente maaaring compute box naman ang may problema na siyang pinaka-hu­ling bahagi na dapat tingnan upang aralin kung ano ang dahilan kung bakit ayaw mag-start ang engine.

IBA PANG DAPAT ISAALANG-ALANG NA DAHILAN

Detalye kung magpaliwanag si Mang Boy. Marami pang mga kliyente ang nagsidating na pawang in-teresado sa kanyang pagdedetalye sa mga dahilan kung bakit ayaw mag-start ang engine

1. Ayon kay Mang Boy kung ang koryente ay maayos na dumadaloy ngunit ayaw pa ring mag-start, tsi-kin kung may gasolina ang tangke. Baka sira ang gasoline gauge at hindi nagtatala kung mayroon o wala nang gasolina ang tangke.

Kung mataas pa ang tala ng gasolina sa gauge kahit ito pala ay empty na, tiyak na ang may diperensiya ay ang float o fuel level sensor ng sasakyan kaya kung minsan mataas pa ang karga ngunit pagkatapos ay biglang bababa sa empty.

FUEL PUMP2. Posible ring fuel pump ang problema. Isa sa mga kinagawiang pag-check ng fuel pump ay ang pakiki-nig ng ugong na nag-bubuhat sa likod na ilalim ng sasakyan kung saan nakalagay ang tangke ng gas.

I-on ang ignition switch at kapag nakarinig ng ugong na galing sa tangke ay buo ang pump.

Ito ay tutunog lamang nang kung ilang segundo at mamamatay rin dahil sa timer na galing sa computer.

Kung walang naririnig, medyo kantiin ang ilalim ng tangke at muling subukang i-start ang sasakyan at kung nag-start, pump ang may sira. Pero kung hindi pa rin, patingnan ang fuel pressure at kung may pressure naman papuntang makina ay ipa-check ang koryente ng bawat injector, kung wala itong koryente ay may problema sa sensor o kaya naman ay ang computer box.

***take note***

“Kung ayaw mag-start ang engine ng sasakyan, ang laging pinakahuling solusyon ay ang pagpapalit ng compute box dahil ito na ang pinakamalaking posibling problema sa electrical system ng engine. Kung may koryenteng dumadaloy at mayroong gasolina ang tangke at walang problema sa mechanical tiyak na aandar ang engine ng ating sasakyan”, paliwanag ni Mang Boy.

Para kay Mang Boy, marami pong salamat.

SANHI NG MAUSOK AT MAHINA ANG HATAK NG ENGINE NG SASAKYAN

Ayon naman kay Jess Viloria, Service mechanic ng isang auto repair shop and auto supply sa Parañaque City, ang karaniwang dahilan ng ganitong problema ng sasakyan ay ang kawalan ng pag-iingat ng may-ari sa ikinakargang motor oil o lubricant na gi-nagamit sa makina.

Aniya, kahit bago o brand new ang sasakyan, sa katagalan ang sisira rito ay ang tinatawag na “cold rank-ing” o pag-i-start sa umaga matapos ang magdamag na nakagarahe ang sasakyan.

Ipinaliwanag nito na habang ang karamihan sa motor oil ay nasa ilalim pa ng makina, kapag pinaandar ang sasakyan ay nagka-karoon na agad ng friction o gasgasan sa pagitan ng piston at cylinder liner dahil sa wala pang lubricant na bumabasa sa lining ng cylinder.

Sa paglipas ng mga araw na patuloy ang ganitong gawi ng may-ari ng sasakyan lumalaki ang gap ng oil seal na siyang dahilan ng pagkakaroon ng tinatawag na loose compression o paghina ng hatak ng makina.

Ito ang isa rin sa dahilan kung kaya nagiging mausok ang tambutso sapagka’t humahalo ang langis ng makina sa gasolina o kaya ay sa diesel engine at kapag nasunog ito, puting usok ang lalabas.

Kung itim naman ang lumalabas na usok sa tambutso ay sanhi ito nang hindi kayang pagsunog ng makina sa diesel kung kaya lumalabas bilang carbon emission and hindi nasunog (unburn fuel, indi-kasyon din ito na patungo sa pagiging blow-by most special-ly kung gasoline feed ang engine).

USOK NG ENGINE

Bilang paglalagom, nili­naw ni G. Viloria ang tungkol sa usok na lumalabas sa tambutso ng sasakyan tulad ng:

1. Ang isa sa mga dahilan ay ang hindi pag-iingat sa motor oil o lubricant na ginagamit sa makina.

2. Kahit bago o brand new ang sasakyan, sa katagalan ang sisira rito ay ang tinatawag na cold cranking o pag-i-start sa umaga matapos ang magdamag na nakagarahe.

ENGINE SMOKES3. Habang ang karamihan ng motor oil ay nasa ilalim pa ng makina, kapag pinaandar ang sasakyan ay nagkakaroon agad ng fric-tion o gasgas sa pagitan ng piston at cylinder liner dahil sa walang lubricant ito.

4. Sa paglipas ng panahon lumalaki ang gap ng oil seal na siyang dahilan ng pagkakaroon ng loose com-pression o paghina ng hatak ng engine.

5. Ito ay dahilan din kaya nagiging mausok ang ating tambutso sapagkat humahalo ang langis ng makina sa gasolina na ang end result ay ang pagbubuga sa tambutso ng puting usok.

6. Ang itim na usok naman ay sanhi ng hindi kayang pagsunog ng makina sa diesel kung kaya lumalabas bilang carbon emis-sion ang unburn fuel na indikasyon naman para sa gas engine ang pagiging blow-by.

REPUBLIC ACT 10913

Ano ba ang batas RA 10913 o ang Anti-Distracted Law? Sige nga mga kapasada kung nagugunita pa ninyo ang kahala­gahan nito sa ating pang-araw-araw na paggulong sa lansangan para sa kaunlarang panghapag kainan ng mag-anak.

Ang RA 10913 ay ang batas na nagbabawal sa mga moto­rista sa paggamit ng communication devices at iba pang electronic en-tertainment computing gadgets samantalang on rolling ang minamanehong sasakyan o kaya at nakahinto dahil sa ina­bot ng red light o stop sa isang intersection.

Ano-ano ba ang sakop ng batas na ito? Itinatadhana ng batas na ito na sakop ang both public and pri-vate vehicles tulad ng:

1. wheeled agricultural machineries
2. construction equipment
3. bicycles
4. pedicabs
5. trolleys
6. habal-habal
7. kuligligs
8. wagon, carriages.

Nakasaad pa rin sa natu­rang batas na ang mga kariton, maging ito ay human powered o kaya ay hila ng hayop (pulled by an an-imal) habang ang mga ito ay ginagamit o driven in public thoroughfares, high-ways o sa mga lansangan.

Gayundin, nakalagay sa naturang batas ang pagbabawal sa paggamit ng anumang communication gadgets tulad ng pagtanggap ng tawag, pagsulat ng text messages, playing games, watching movies, paggamit ng calculator, pagbabasa ng e-books, pagpapadala ng text messages o kaya ay surfing or browsing the internet.

Ano-ano naman ang ‘di saklaw ng batas na ito? Ang mga motorista ay pinahihintulutang gumamit ng gadgets na ito sa pagtawag ng emergency calls, in cases of crime, accidents, bomb or terrorist threat, fire or explosion, instances needing immediate medical attention o kung kailangan ang personal safety and security is compromised sa pasubali na hindi ito makasasagabal (interfere) sa driver’s line of sight.

LAGING TATANDAAN: UMIWAS sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!

Comments are closed.