NAGTATAKA si actress-host Anne Curtis kung bakit kinokontra ng mga lalaking senador ang divorce bill gayong makabubuti naman ito sa nakararami.
Ani Anne, hindi ibig sabihin na kapag naaprobahan ang diborsyo ay maghihiwalay na ang mga mag-asawa. May mga reasons naman for divorce at iyong ang susundin.
Sa inisyal na resulta ng survey ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada hinggil sa pananaw ng mga senador sa divorce bill, pabor dito sina Senador Risa Hontiveros, Senador Robin Padilla, Senador Grace Poe, Senador Imee Marcos, at Senador Pia Cayetano.
Ayaw naman ito nina Senate President Chiz Escudero, Senador Francis Tolentino, Senador Joel Villanueva, Senador Ronald “Bato” dela Rosa, at maging si Estrada.
Noong Mayo 22, 2024, pumasa sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara ang House Bill 9349 o ang Absolute Divorce Bill matapos bumoto bilang sang-ayon ang 126 mambabatas, habang 109 ang sumalungat at 20 ang nag-abstain.
Pending naman sa ikalawang pagdinig ng plenaryo ang senate version. RLVN