BAKIT AYAW UMANDAR ANG ENGINE

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapa­sada!

Isang katanungan mula sa isang baguhang drayber sa Soldiers Hill sa Las Piñas, Metro Manila ang ating tatalakayin sa isyung ito.

Sa kahilingan ni John Cas, bibigyan natin ng kasagutan sa pamamagitan ng ating kasangguni – Jess Viloria ng San Antonio, Valley 6, Barangay San Isidro, Parañaque City.

“Sir, ang problema ko po, sa marami pong pagkakataon, higit sa umaga, ayaw pong umandar (start) ang aking sasakyan. Ang akin pong asawa ay isang frontliner sa isang call center sa Makati City at ito po ang  panghatid ko sa kanya sa kanyang night tour of duty ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.  Please naman po, advise me. Thanks a lot sir”.

Naiiba, very instrumental sa inyong abokasyon ang paksang ating tatalakayin sa isyung ito ng Patnubay ng Drayber.  Kaya unawain ninyong mabuti ang paksang ito sapagkat magiging dagdag na kaalaman at mahala­gang inyong maunawaan upang makatulong sa inyong hanapbuhay.

John, una sa lahat, tandaan mo na sa panahon ngayon na tayo ay dumaranas ng COVID-19 pandemic, always observe ang pagsusuot ng face mask to avoid apprehension from whoever.

Sa totoo lang, mga kapasada, napakaraming drayber ang nabubulaga sa umaga dahil ayaw mag-start ang ipaghahanapbuhay na sasakyan.

Siyempre, nagmamadali si drayber upang umabot sa dami ng pasaherong kanilang pagse­serbisan, lalo na kung rush hour sa umaga na kaila­ngan nilang makarating kaagad sa kanilang opis. Noon ‘yun na wala pa ta­yong iniindang pandem­yang pang-universe – ang coronavirus.

Eh, may magagawa ka ba kung ayaw mag-start ang iyong pamasadang sasakyan o service car?  Wala.  Wala kang magagawa kundi ang magkamot ng ulo. Magbuntong hininga at maihampas ang kamay sa tapaludo ng sasakyan.

Gaya ng dati, concern ng ating pitak ang ma­bigyan kayo ng sapat na kaalaman para sa inyong kapakanan at sa pamilyang ikabubuhay.

HUWAG MATARANTA KUNG AYAW MAG-START ANG SASAKYAN

Maraming problemang maaari ninyong makaharap kung bakit may mga sandaling nagaganap sa inyong makina, ngunit sa payo ng ating source mechanic sa Parañaque City, huwag naman kaagad kayong magpa-panic.

Kung matataranta kaagad, tiyak sira ang iyong diskarte sa buong maghapon. Iwasan din ang kagyat na desisyon na tatawag ka ng towing service para ipa-tow ang iyong sasakyan para dalhin sa isang talyer.

Ayon sa ating source, una, ipasok ang susi sa ignition at i-start, doon pa lamang ay malalaman mo na ang clue bakit ayaw mag-start.

Kung ang iyong sasakyan ay may push botton start system, makabubu­buting basahin ang pa­nuntunang turo (guide) at sundin ang itinuturo doon.

ILANG KATANUNGANG DAPAT SAGUTIN

Narito ang ilang katanungan na dapat sagutin, ayon sa ating resource person:

  1. Can you turn the key in the ignition?
  2. Kung i-turn mo sa ON ignition:
  3. nag-iilaw ba ang instrument sa panel?
  4. Does the “security” or key-shaped light stay on o nagpa-flash sa instrument panel?
  5. Does the “check engine” light come on?
  6. Ano ang resulta kapag you turn the ignition key to the “start position?”

–  Walang nangyari, ayaw na mag-turn over ang engine.

– Walang naririnig na klik, o paulit-ulit na klik ngunit ang engine ay ayaw na mag-turnover.

–  Nagti-turnover ang engine (cranks) ngunit mabagal.

–  The engine cranks progresively slower hanggang sa wala nang mariri­nig kundi klik na lamang.

Kung ayaw pa ring mag-start ang engine, kailangang tsikin ang battery.

May dalawang bagay na dapat unawain tulad ng:

  1. Kung ang sasakyan ay automatic ang transmission, kung minsan ay ayaw itong mag-start kung naka-neutral ang kambyo sa park.
  2. Kung gayon ang problema ay nasa safety switch.

PAANO I-CHECK ANG BATTERY

Ipinaliwanag ng resource person na matapos na matalakay niya ang pa­nimulang bagay kung bakit ayaw mag-start ang engine ng sasakyan, dumako naman kami sa paghihimay ng mga kaugnay na bagay kung bakit ayaw mag-start ang engine.

Ayon sa kanya, ang isa sa mga dahilan ay baka naman patay nang talaga ang baterya kaya ang engine ay ayaw mag-start.

Ang ilan sa mga dahilan kung bakit namamatay o humihina ang karga ng battery ay:

  1. kalimitang nalilimutang patayin ang dome light ng sasakayan.
  2. maaaring may ilang faulty component ang electrical system kaya nauubos ang karga na battery.
  3. maaari rin namang lubhang matanda na ang battery, kaya wala na itong natitipong karga at mada­ling ma-discharge.

PARAAN NG PAG-CHECK KUNG DISCHARGE ANG BATTERY

Paliwanag ng resource person, ilang simpleng bagay na dapat na isaalang-alang sa pagtsik kung discharged lang ang dahilan kung bakit ayaw mag-start ang engine ay ang mga sumusunod:

  1. Turn the windshield wiper on.
  2. Kung higit na mabagal kaysa dati, may posibilidad na low charge ang battery.
  3. Suriin ang liwanag ng dome light, kung lalo itong dumidilim kapag inistart mo ang engine o kapag pinaandar mo ang wiper, nakatitiyak na discharge ang battery.

Kung ang battery ay relatively new, ito ay maaaring pakargahan (recharge), paliwanag ng resource mechanic.

Isa, aniya, sa dapat gawin ay to jump start your car and let the engine run for a while to recharge the battery.

Ayon pa sa resource mechanic, isa sa cardinal rule na dapat bigyang diin ay:

  1. kung ang battery ay mahigit sa 4-5 years old, maaaring ito ay completely dead.
  2. ang solusyon – palitan na ang battery. Ngunit bago magpalit ng bago, dalhin din ang sasakyan sa isang battery shop at ipasuri ang charging system ng sasakyan na maaari ring isa sa dahilan kaya ayaw mag-recharge ang battery.

(Itutuloy)

Laging tandaan: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti. Happy motoring!

Comments are closed.