BAKIT AYAW UMANDAR ANG ENGINE

patnubay ng driver

(Pagpapatuloy)

BAKIT HINDI MAPAANDAR NG SUSI ANG IGNITION

MAY ilang dahilan kung bakit hindi mabuksan ng susi ang ignition. Ito ay maaaring naka-lock ang ignitionignition lock sa front wheels at naka-turn aside tulad ng kung ang sasakyan ay naka-park on a hill, o kaya naman kung ang gulong sa unahan ay natulak sa isang matigas na bagay tulad ng bato.

Sa ganitong pangyayari, ang dapat gawin ay paikutin ang steering wheel pakaliwa at pakanan samantalang pinipitik-pitik ang ignition key na isa sa paraan para makalas ang steering lock.

Isa pa rin sa posibleng dahilan ay may problema ang ignition key at ang lock mechanism na napudpod na sa matagal na gamit.

Sa ganitong pangyayari, subukang gamitin ang duplicate key at kung ayaw pa ring mag-start, sumangguni sa car dealer para sa wastong counseling.

Natapos ang panayam sa resource mechanic sa isang corner convenience store sa kanto ng Lopez at Sucat Road.  Taos sa puso po ang aming pasasalamat sa ating resource mechanic.

DRIVER’S LICENSE CODE PINATINDI ANG PAGHIHIGPIT

Ipinaliwanag kamakailan ng Land Transportation Ofifice (LTO) ang dahilan ng kanilang paghihigpit sadrivers license pagpapatupad ng restriction codes on driver’s licenses.

Ayon sa LTO, ang mga motorista na ang ginagamit na lisensiya sa pagmamaneho ay kasama sa restriction codes 2 at 3 ay pinahihintulutang makapagmaneho ng sasakyan na may “manual transmission” o kaya ay “automatic transmission”.

Bilang paalala sa mamamayang nakatalaga sa pagmamaneho, ipinaliwanag ni Transportation Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvante na sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2019-2174, ang sino mang indibiduwal na ang driver’s license ay kasama sa ilalim ng naturang ipinagbabawal (restriction) ay maaaring makapagmaneho ng sasakyan with manual and automatic transmission.

Nakasaad din sa naturang babala (notice) na ang nag­hahawak ng driver’s license na may restriction code 4 and 5 ay maaaring magmaneho lamang ng mga sasakyang may automatic transmission (AT).

Ayon kay Secretary Edgar Galvante, ang naturang patalastas (notice) ay naka-post sa official facebook account ng LTO.

MOTORISTA BEWARE SA MGA AMBULANT MECHANIC

Mga kapasada, unawaing mabuti ang isyung ito na ibinahagi sa atin ng isang traffic enforcer sa mekanikoParañaque City na naka-duty sa kahabaan ng Sucat Road.

Isang umaga, samantalang siya ay nagmamando sa buhol ng trapiko sa kanyang area of responsibility, isang babaeng foreigner ang nasiraan ng sasakyan malapit saManila Memorial.

Isang mekaniko kuno na nakasakay sa kanyang  bisikleta ang lumapit at nag-alok ng kanyang service at itinulak ang sasakyan sa gilid ng lansangan.

Binuksan ang hood at iniutos sa foreigner na i-start.  Ayaw, at kaagad sinabi sa foreigner na sira ang coil at ang tanging remedyo ay palitan para ‘di na madamay ang ibang parts ng engine.

Nang itanong ng foreign ang halaga ng condenser, binigyan siya ng presyong patong-patong kung ikukumpara sa halaga sa auto supply at inilabas ang kanyang dalang coil at sinabing for a friendly sake, pay me Php 500 only.

Lumapit ang enforcer at sa isang tabi ng daan ay kinausap ang foreigner at sinabing “Don’t agree.  I will help you. And you know what, kumuha ng basahan ang enforcer, binasa at ibinalot sa coil.  In a moment, iniutos ng enforcer sa foreigner na paandarin and entonses, on the go na ang sasakyan.

SA MGA SIRA NG SASAKYAN

Ayon sa pahayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA), hindi lahat ng sira ng sasakyan ay nagwawakas sa  aksidente.  Iyon ay kung marunong mag-trouble shoot, mareremedyuhan ninyo ang alin mang diperensiya ng sasakyan bago ito makapinsala.

Kaya ang payo ng MMDA, kailangang laging dala ang importanteng kagamitan sa pagkukumpuni ng sasakyan.

Gaya ng  karanasan ng babaeng foreigner na tinalakay sa unahan, marami ang mga mapagsamantalang ambulant mechanic sa lansangan. Sari-saring sira ang inyong maririnig sa kanilang bibig tungkol sa huminto ninyong sasakyan para ipagkatiwala ninyo sa kanila ang pagkukumpuni.

Sa sandaling pahintulutan ninyo sila na makialam  sa inyong makina, tiyak na tatagain kayo  sa presyong sisingilin katumbas ng kanilang pagpapagod sa pagkukumpuni.

Anang MMDA, maaaring ang sira ng inyong sasakyan ay ang pag-iinit lamang ng coil kaya huminto.  Dapat ninyo itong malaman sa pamamagitan ng kaunting kaalaman sa trouble shooting tulad ng inyong natunghayan sa sinundang karanasan ng isang foreigner sa kanyang sasakyan.

MAGING MAINGAT SA PAGMAMANEHO

Ang pagmamaneho ay isang lukratibong propesyon.  Malaki ang kita, sulit ang pinuhunang pagod, ngunit may kakambal na panganib kung hindi gagamitan ng wastong pag-iisip at pag-iingat.

Ayon sa LTO, maraming dapat igalang sa pagmamaneho. Una sa lahat ay ang pasahero. Dapat makuha ang pagtitiwala ng mga ito.

Kailangan ang buong ingat upang makuha ang tiwala ng mga pasahero. Totoong mahirap mapagbigyan ang lahat ng pasahero, ngunit lahat sila ay marunong humalata ng maingat na pagmamaneho. At lahat sila ay iisa ang hangarin o interes, makarating nang maayos at ligtas sa kanilang patutunguhan.

Inilahad ng LTO na ang pakikipagkarera sa  kapwa drayber, paglusot nang wala sa lugar, paghabol sa pulang ilaw, biglang preno, paggarahe sa gitna ng kalye at iba pang paglabag sa mga alituntunin ng trapiko ay delikadong gawin. May katapat itong kaparusahan sa pasaway na drayber, diin ng LTO.

LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.