NAGING kasabihan na ng mga negosyante na kung papasok sa pakikipagkalakalan, itodo na ang lahat upang malaki rin ang balik.
Sa unang basa, hindi praktikal sa pangambang malugi pero. Gayunman, kinontra ito ng mga matatatag na negosyante.
Anila, ang pagpasok sa negosyo ay dapat na malakas ang loob at hindi naglalaro lamang na kapag natalo ay sumasama ang loob.
Ang pagiging negosyante ay isang choice at dalawa lang naman ang dapat pagpilian, ang manalo o matalo.
Kaakibat nito ay positibong pananaw at hindi dapat pangunahan ng takot.
Ang binabanggit na “itodo” na ay simbolo ng ibigay ang best at hindi ang inyong savings.
Kapag naniniwala ka sa negosyo at binigyan ito ng inyong atensiyon, tiyak na panalo subalit kung takot gumasta sa pangambang malulusaw lang ang puhunan, iyon ang katakutan.
BAKIT HINDI NAGTATAGUMPAY?
Subalit may mga naitatalang negosyo na ang motibo ay malaki ang kitain (profit-taking) subalit barya lang ang naiuuwi.
Maitatanong natin sa ating sarili, bakit nga ba?
Sa pananaliksik ng PILIPINO Mirror, nakitaan ng kahinaan ang ilang indibidwal na sumubok sa negosyo subalit nauwi sa wala.
Hindi dahil sila ay kinapos ng kaalaman o sila ay malas sa negosyo, (walang malas sa negosyo) kundi sa kanilang attitude.
Narito ang ibang dahilan:
- Sa umpisa pa lamang ay natakot na malugi.
- Agad naghangad ng malaking kita, kaya nang hindi natupad, tumigil agad.
- Tinipid ang negosyo kaya barya rin ang naging kita.
- Kawalan ng tiwala.
- Naging matipid ang pakikipag-ugnayan.
- Takot sa pagbabago at mga bagong produkto
- Sarado ang isipan sa ibang ideya.
- Ayaw mag-explore sa iba pang business venture.
- Masaya na sa kaunting kita
- Ayaw magbahagi ng nalalaman.
Payo ng mga eksperto, ang pagnenegosyo ay isang pakikisalamuha, kung ikaw ay iikot lang sa nais mong mundo, malabo ngang lumaki ang kita.
Hindi rin dapat katakutan ang mga bagong produkto na maaaring iendorso dahil ito ang makatutulong sa iyong pag-asenso.
Pinakamagandang attitude din ang mag-share, gaya ng ilang ipinakikita ng mga matagumpay na negosyante, ang tulungan sa kapwa mangangalakal ay nakapagpapatatag sa inyong negosyo.
Puwedeng tularan ang mga Tsino na sila, sila ay nagtutulungan.
Panghuli sa lahat, maging tapat lamang sa inyong suki, tiyak, ikaw ay babalik-balikan kaya sa partkilar na parokyano tiyak buhay na ang inyong negosyo.
Isa pa, dapat isipin ng negosyante, think big! Kung maliit na negosyo lang ang gusto mo habambuhay, maliit din ang kita subalit kung nag-umpisa ka sa maliit at kumikita na, dapat isipin mong palakihin ito upang madagdagan ang kita. EUNICE CALMA
Comments are closed.