BAKIT COTTON ANG  DAPAT HANAPIN?

COTTON CLUB

TUWING mamimili ng mga damit ang karamihan, palaging hinahanap ang cotton. Maging ito ay t-shirt, sando, brief, medyas, panyo, towel, lalo na sa mga kasuotan ng mga bata. Dahil dito, ang ibang produkto ay naglalagay pa ng ‘100% cotton’ subalit madidiskubre mong hindi naman pala ito nagtataglay ng mga kalidad ng tunay na cotton.

“There is no such thing as 100% cotton,” pahayag ni Joel Capulong, marketing manager ng Wellcome Global Trading Corporation, ang kompanya na nagtataguyod ng Cotton Club apparel sa bansa.

Ayon sa kaniya, “kung 100% ang cotton sa tela, mawawala ang elasticity nito at hindi ito babalik sa dating porma at kalidad at madaling luluwag o mag-lose lalo na pagkatapos na malabhan ang damit.”

Sa panayam kay Capulong, sinabi nito na naniniwala ang Wellcome Global Trading Corporation na importanteng maging tapat sa mga konsyumer at ipaunawa sa kanila na malaking ba­hagi ng kanilang produkto ay gawa sa cotton.

Idinagdag pa niya na ang cotton ay natural na produkto at mara­ming magagandang bentahe kung pag-uusapan ay comfort, durability at ‘di nakababaho sa katawan. Dahil dito, ang mga produkto ng Cotton Club ay sakto sa mga pangangailangan.

BENEPISYO NG KASUOTANG GAWA SA COTTON

COTTON CLUB-4TUGMA SA LAHAT NG PANAHON – Maaari mong suotin ang damit na gawa sa cotton sa anumang lagay ng panahon at kahit anong okasyon. Swak itong gamitin ng mga kabataan bilang uniporme sa isports at eskuwela, pantrabaho at pantulog.

MATIBAY AT PANG­MATAGALAN – Hindi tulad ng ibang hibla na marupok, matibay ang cotton at madaling labhan ang tela. Habang nag-tatagal ang tela, nananatili ang kalidad nito.

PRESKO AT MALAMIG SA KATAWAN – Ito  ang  pinakamahalagang katangian ng cotton. Sabi nga, cotton fabric is breathable. Ito ang pin-ipili ng nakararaming ina para sa kanilang mga anak. Karaniwang binibili ang mga yari sa cotton para sa bed sheet, towel at panyo dahil absorbent ito at malamig sa katawan. Bagay ito sa mga taong pawisin. Sabi nga ‘cotton fabric will keep you away from the sweat trap with its moisture wicking proper-ties’.

HINDI MADALING BUMAHO – Ang cotton ay hindi nagre-retain ng amoy at tama lang piliin ng mayroong sensitibong balat at mga taong pa­wisin. Ito ay madaling labhan at mag-absorb ng fabric conditioner kaya’t madali itong pabanguhin kumpara sa ibang tela.

COTTON CLUB-5MADALING INGATAN – Dahil sa material ng cotton, madaling alisin o linisin ang stain nito na hindi maaapektuhan ang kalidad ng tela. Puwede itong labhan sa pamamagitan ng kamay o sa washing machine.  Dapat nga lang ingatan na mapahalo sa mga te­lang may nakahahawang kulay.

Ilan lamang ito sa mga katangian ng cotton na dapat isaalang-alang sa pagpili ng tela. Tandaan, ang comfort, durability at affordability ang magbibigay sa atin ng kasiyahan sa pagbili ng apparel.

Ang mga katangiang ito ay taglay ng Cotton Club apparel at available sa mga pangunahing department store sa bansa.

Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, asahan ang pagbibigay ng discount sa mga produkto ng Cotton Club. Kung gusto natin ng pangmatagalan at preskong kasuotan, subukan itong ipanregalo sa ating mga mahal sa buhay. TERRY BAGALSO

Comments are closed.