BAKIT DISAPPEARING ACT SI VILMA SANTOS SA TAAL?

vilma santos

ILANG linggo na ba ang nakaraan, mula nang mag-alboroto ang bulkang Taal? Kumusta na kaya ang congresswoman ng Batangas na si Vilma Santos-Recto?

Sa kabila ng nasabing di maiiwasang kalamidad, marami pa ring nakatira sa gilid ng bulkan, at natural lamang na lagi si-lang lumilikas tuwing magkakaroon ng banta ng pagputok, dahil ma­nganganib ang kanilang buhay. Mga iskwelahan at mga covered court ang pansamantala nilang nagiging evacuation center sa mga ganitong pagkakataon. Doon na rin ini­rarasyon ang mga relief goods para sa kanila.

Sa mga ganitong pagkakataon, may umaaksiyon agad na lingkod bayan pero marami ang nagtatanong. Ala ey, nasaan kaya ang aktres/politiko na si Vilma Santos-Recto? Hindi siya nakikita mula nang nagsi­mulang lumabas ang usok ng bulkang Taal. Abala kaya ang misis ni senador Ralph sa kanyang bahay sa Alabang at sa Greenmeadows? May sakit ba siya?

In fairness, may nakita tayong isang post sa facebook, na tumutulong siyang mag-ani ng iba’t ibang klaseng gulay. Sig-urado tayo, naipamahagi na ito ng kanilang grupo habang tinitipa ang kolum na ito.

Isang netizen ang sumagot, “knowing Vilma Santos, saksakan yon ng kuripot. Ayaw niyang mabawasan ang kanyang milyones. Hindi rin nga mabawasan ang kanyang pork barrel bilang kong­resista.”

Ayon naman sa isang gay scribe, “Hindi naman siya abala sa syobis! Madalas ba siyang magreport sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa?” Kamukat-mukat mo, mababasa mo sa pahayagan na pipili siya ng isang political party para isama sa line-up nila bilang senadora. Wow, ha!

Kung sabagay, ma­lapit na ang Agosto. Maraming aspiring candidates ngayon ang gustong lumahok sa May 2022 elec-tions. Pero teka, di pa nagpapahayag ang mother dearest ni Luis Manzano kung tatakbo siyang senadora. Sa syobis nga, di siya makabalik dahil katwiran niya, abala sila bilang public ser­vant, paano pa kaya kung tatakbo siyang senadora.

Dahil nga busy sa public service kuno si Ate Vi, solong-solo ngayon ni Nora Aunor ang trono bilang reyna na syobis. Aktibo pa rin kasi ang superstar kahit may edad na sa paggawa ng pelikula at sa mga serye sa telebisyon.

 

VIC SOTTO MAY ANAK DAW KAY JULIA CLARETE

ANG tindi rin ng mga vlogger sa paggawa ng content sa Youtube channel. Porke hindi nakikita ang kanyang mukha sa vlog nila at boses lang ang naririnig as narrator, upload sila nang upload ng showbiz balita kahit walang pruweba. Isa na rito ang balitang may anak daw si Vic Sotto kay Julia Clarette.

Kaya raw bumalik ng bansa si Julia ay para isiwalat ang katotohanang naanakan siya ni Bos­sing Vic. Sadyang panonoorin mo ito kahit titulo pa lang, kasi naman, maku-curious ka kung ano nga ba ang totoong pangyayari.

Series ang lumabas na balita. Grabe, duma­mi lang ang subscribers ng vlogger, kung ano-anong imbentong balita ang ipo-post. Marami na silang nabiktima, ayaw lang patulan ng mga artista. Kaya, sa isang edisyon ng Eat Bulaga, nagbigay ng pahayag si Bossing. Wala naman siyang tinutukoy na isyu pero ang sabi niya, “Eto, makinig kayo, he he he. Ito na ang tugon for the day sa mga nagsa-cyber bully o gumagawa ng fake news o naninira ng tao sa social media. Lagi ninyong tandaan na may nasasaktan kayo at ‘yan ay pagbabayaran ninyo pagdating ng tamang panahon. Huwag ninyong isiping porke pina-palagpas lang ng iba ang mga kalokohan ninyo ay mahina o naduduwag siya. Tandaan ninyo, nakikita kayo nung nasa Itaas.”

Wala nang lihim na hindi nabunyag. Lalabas at lalabas din ang katotohanan. Sa totoo lang, kung talagang naanakan nga ni Bossing si Julia Clarete, imposible namang takbuhan niya ito. In the first place, marami siyang pera para suportahan kahit pa isang dosenang anak. Kaso lang, ano kaya ang epekto nito sa pagsasama nila ni Pauleen Luna? Totoo man ito o fake news, masakit pa rin.

357 thoughts on “BAKIT DISAPPEARING ACT SI VILMA SANTOS SA TAAL?”

  1. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Actual trends of drug.
    stromectol
    Medscape Drugs & Diseases. Best and news about drug.

  2. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Read information now.
    https://canadianfast.online/# п»їed drugs online from canada
    drug information and news for professionals and consumers. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  3. Get warning information here. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://tadalafil1st.online/# tadalafil soft gel
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  4. safe and effective drugs are available. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    cialis dopoxetine
    Read here. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  5. Read information now. Get warning information here.
    real cialis
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Long-Term Effects.

  6. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything about medicine.
    cialis 20mg sell
    Best and news about drug. п»їMedicament prescribing information.

Comments are closed.