BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?

KAPAG tinanong mo ang karamihan kung ano ang best memory nila sa kanilang kabataan, malamang, ang isasagot nila ay high school life. Barkada, favorite teachers, field trip o mga group study na nauuwi lang sa kwentuhan! Syempre, dun ka rin nakaranas na magka-crush.

Hindi naman lahat ay nagkakajowa sa highschool. Minsan, ang dahilan ay dahil strict ang peyrents, minsan naman, dahil subsob sa pag aaral, o wala lang talagang gusto o hindi ka gusto ng gusto mo! Hahaha wag kang mag alala hindi ka naman nag iisa.

Hindi ako masyadong ligawin noong     aking kaba­taan. Minsan nga, yung mga gusto ko, sa bestfriend ko pa nagkakagusto, kaya ang ending, nagiging 3rd wheel pa ako sa date nila, o kaya naman, dakilang chape­rone. Minsan pa nga, sa akin pa naghihinga ng problema kapag nag aaway sila. Naisip ko tuloy, feeling ko, hindi na makatarungan.

I would say, hindi naman ako pangit. Mabait naman ako at mara­ming mga kaibigan. Masipag din akong mag-arall. Pinapakopya ko pa nga sila ng assignment. Siguro lang, hindi sapat yun para maging jowable. Sa totoo lang, umabot pa ako sa pagnonobena kay St. Jude (patron ng mga imposible) para magka jowa! In fairness, sumasagot si St. Jude, kaya naman kung susubukan nyo, ipinapayo ko na maging specific kayo sa paghiling, kasi binibigay niya talaga. Nagkamali lang ako ng hiling, dapat pala specific, Akalain mo yon! Dapat detalyado ang hiling.

In defense naman sa aking kagandahan, may mga nanligaw din naman sa akin. Meron pa ngang since grade 5 hanggang college. Siguro, hindi kami meant to be. Kaibigan ko siya at malapit ako sa pamilya niya pero hindi naging kami. Alam mo na — yung alam mong aalagaan ka niya pero hindi mo siya bet. Tapos, yung bet mo, hindi ka gusto. Yung gusto ko, yung barkada ko. Lagi kaming magkasama. Mabait siya sa akin, pero mabait naman siya sa lahat ng mga kaibigan ko. Mahirap i-explain. Yung parang kayo, pero hindi kayo. Sa madaling sabi, MU – as in malabong usapan. Kaya bawal magselos kasi walang kayo. Bawal awayin kasi hindi mo siya syota. Pero hindi ka rin makikipag-date sa iba kasi parang kayo.

Noong  high school, graduation ball, tinanong ko siya, “Bakit kasi hindi pa maging tayo?” (Before I let you go ng Freestyle ang background music nyan)? Hindi pa raw siya ready. Edi wow! Ano’ng magagawa ko?

Nag-college kami sa magkaibang school. Minsan, pumupunta siya sa school ko para sabay ka­ming mag-lunch or bumili ng something, o tinutulu­ngan niya ako sa Algebra. On time, tinawagan niya ako para kumain sa labas. Syempre, ang saya ng puso ko! Pero pagkatapos naming kumain may ipinakita sa aking picture ng babae. May girlfriend na raw sya. Wasak ang puso ko!

Ang hirap magmukhang masaya kung wasak ang puso mo! Ang ending, naghiwalay kami noong araw na iyon at pumunta ako sa bahay ng bestfriend ko para maglabas ng sama ng loob! In fairness, hindi naman siya nagbago ng pakikitungo sa akin kahit may girlfriend na siya. Hindi na kami madalas mag-lunch ng sabay, pero tinutulungan pa rin niya ako sa Algebra. Or, kung kailangan ko ng tulong sa assignments or projects ko, andyan pa rin siya, pero walang katapusan ang update sa jowa nya. At ang sakit.

I was broken but life goes on, so I tried to find new friends – total, na-friend zone na ako. And finally, ibinigay ni St Jude yung request kong jowa, na ang goal sana ay pagselosin lang si friend. Sa Christmas party ng high school barkada, may I bring si jowa. Kaso, jowa ko pala ang seloso, at binawalan pa akong makipagkita sa friends ko.

Sad thing na nawalan ako ng communication sa kanila at nang magkita-kita uli kami after so many years, iba-iba na ang buhay namin. This time, si friend, nag-iimbita sa wedding niya. Sabi ko sa kanya, “ano ka ba, hindi ini-invite yung taong tututol sa kasal!” Natawa rin sya, pero ibinigay pa rin niya ang invitation. Inimbita rin niya ang iba naming mga kaibigan at nagkaron ng chance na mag-reunion ang barkada. Hindi ako dumalo, pero nag-congratulate ako sa kanila.

Mahigit 20 years na ang lumipas. Kahit may kani-kaniya na kaming pamilya, nananatili ang aming pagkakaibigan. Every now and then, nagkukumustahan kami, especially on holidays. Yung boyfriend ko dati, nagkaanak kami ng da­lawa ngunit naghiwalay kami. Wala na siya. Pero ang crush ko na hindi ako crush, magkaibigan pa rin kami. The point is, mas matatag ang friendship kesa romantic relationship. Tama siya. Mas mabuting magkaibigan na lang kami.

Ngayon, pareho kaming masaya, sa pinili naming buhay. Hindi ako crush ng crush ko, pero friends naman kami – na pwedeng habambuhay. Kaya kung nagtatanong ka kung bakit hindi ka crush ng crush mo, simple lang ang sagot. Me­rong inihanda sa’yo si Lord na mas okay kesa kanya. Look at me, wala na akong mahihiling pa sa pamilya ko ngayon.

8 thoughts on “BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?”

  1. 848135 191481Hello. I wanted to ask one thingis this a wordpress internet internet site as we are preparing to be shifting over to WP. Furthermore did you make this template yourself? Thanks. 980770

Comments are closed.