BAKIT HINDI MATULDUKAN ANG HAZING?

NABUHAY na naman ang pagkondena sa hazing.

Ito ay nang mapaulat ang pagkamatay ng isang 18-anyos na Grade 11 sa Jaen, Nueva Ecija.

Si Ren Joseph Bayan ay inihatid sa kanilang bahay ng da­lawang lalaki na walang buhay noong September 29.

Huling ugnayan ni Ren sa kanyang kaanak na pupunta siya sa final hazing, kaya tumibay ang suspetsa na ito ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Ang ina ni Ren Joseph ay isang overseas Filipino worker sa Qatar at ang huli nilang pagkikita ay noong isang taon pa.

Lumikha ng labis na kalungkutan sa ina na abutan ang anak na wala nang buhay.

Sa kasagsagan ng paghahanap ng hustisya, nahatulan naman ng life imprisonment ang 10 suspek na nakapatay kay Atio Castillo dahil sa hazing noong 2017.

Marami pa ang biktima ng hazing at batas na rin na bawal ito subalit kataka-taka na hindi pa rin ito natutuldukan.

Sana wala nang sumunod sa sinapit ni Ren Joseph, itakwil ang hazing.