Bakit kailangang magtabi ng pera sa bangko?

MAS  malaki ang kikitain ng inyong pera kung magnenegosyo, o kung mag-i-invest. Pero kapag high-risk ang investment at wala ka namang alam dito, malaki rin ang posibilidad ng pagkalugi. In other words, posibleng mawala ang pera mo.

Kaya naman, mas maganda kung meron kang back-up. Magtabi ng pera sa savings account para kahit ano pa ang mangyari, may madudukot ka sa panahon ng pangangailangan. Oo nga at maliit lamang ang tubo, pero sigurado namang walang lugi.

Ang mga interest-earning accounts ay low-risk kumpara sa investments tulad ng stocks. Pwede rin namang option liban sa savings accounts ang CDs, money market funds, treasury bills, at bonds.

Ang interest rates nila ay depende kung anong savings instruments ang gagamitin mo.

Nagbibigay ang mga bangko at credit unions ng savings accounts. Ang credit union ay uri ng financial cooperative na halos kapareho ng traditional banking services. Pwede itong maliit lang, volunteer-only operations, o malaki na may libo-libong miyembro sa buong bansa. Pwedeng itayo ang credit unions ng malalaking korporasyon, organisayon at iba pang para sa kanilang empleyado at miyembro.

Nililikha, pag-aari at operated ang credit unions ng mismong mga miyembro kaya ito ay kadalasang not-for-profit enterprises na may tax-exempt status.

Kung sa bangko naman, ang pera ay insured sa PDIC hanggang Php500,000 kaya kahit magkaroon ng bank robbery, ligtas pa rin. Hindi ba Magandang mag-ipon? NLVN