NATAPOS na ang deadline ng pagpa-file ng certificate of candidacy (CoC) sa Comelec para sa mga nais tumakbo sa pagka-pangulo noong unang linggo ng Oktubre. Subalit hanggang ngayon ay wala pang malinaw na katambal na bise presidente si Bongbong Marcos o BBM. Bakit kaya?
Ang mga ibang kandidato na hangad maging pangulo ng ating bansa sa susunod na taon ay may kanya-kanya nang katambal. Babanggitin ko lamang ang mga masasabing may pag-asa at may kakayahan na magsagawa ng seryosong kampanya sa buong bansa. Ito ay sina Ping Lacson-Tito Sotto, Isko Moreno-Dr. Willie Ong, Manny Pacquiao-Lito Atienza at Leni Robredo-Francis Pangilinan.
Si Davao City Mayor Inday Sara Duterte, na siyang nagunguna sa presidential survey, ay hindi nag-file ng kanyang CoC. Si Bongbong Marcos na lamang ang nag-iisang seryosong kandidato sa pag-kapangulo na wala pang bise presidente.
Marami ang nag-iisip na maaaring may mangyari pa bago dumating ang ika-15 ng Nobyembre kung magkakaroon ng pagbabago ang isip ni Inday Sara at sumabak sa mas mataas na position sa kanyang kandidatura. Marami pa kasing naniniwala at sumusuporta kay Inday Sara na maaari pang magbago ang isip ng mayora ng Davao City.
Pero balik tayo sa usapan tungkol kay BBM. Bakit nga ba wala pa siyang katambal na bise presidente? Sa aking pananaw, tila hindi nagmamadali si BBM. Handa siyang maghintay at pag-aralang mabuti kung sino ang karapat-dapat na kukunin niyang partner sa kampanya.
Kung titingnan natin ang mga ibang kandidato, parang minadali ang pagkuha nila ng kanilang bise presidente. Nagulat ang ilan kung bakit kinuha ni Isko Moreno si Dr. Willie Ong. Ganoon din nang ianunsiyo ni Pacquiao na si Atienza ang kanyang bise presidente. Marami rin ang nagtaka na biglang si Pangilinan ang naging katambalan ni Robredo.
Sa lahat ng mga pangalan ng mga kumakandidato sa pagka-bise presidente, tanging si Sotto ang nasa listahan ng huling survey ng Pulse Asia sa mga nais ng taumbayan na maging bise presidente ng ating bansa. Nakakuha si Sotto ng 25%. Si Pangulong Duterte naman ay may 14%. Si Sen. Go na lamang ang pasok sa survey na naghain ng kanyang CoC sa pagka-bise presidente. Samantalang sina Ong, Atienza, Pangilinan ay wala sa isipan at pulso ng ating mamamayan na napipisil bilang vice president natin.
Kaya nga nagtataka rin ang marami kung bakit walang aksyon si BBM na kunin sa Go bilang kanyang bise presidente. Hindi ba magandang kumbinasyon ito? Si BBM ay mula sa Luzon at si Go naman ay taga-Mindanao?
Kung ganoon, bakit hindi pa rin nakapagdedesisyon si BBM kung sino ang kanyang VP? Mukhang may hinihintay o kaya ay may mga nag-uusap pa sa kampo ni Marcos. Sabi ko nga, hindi kailangang magmadali si Bongbong. Isa siya sa nangunguna sa survey lalo na at hindi nagpapahiwatig ng interes si Inday Sara na tatakbo sa pagka-presidente.
Marahil ay mahalaga rin kay BBM na kung sino man ang kanyang pipiliin ay titiyakin niyang tunay na makatutulong sa kanyang adhikain para sa bansa at walang ‘hidden agenda’. Dapat ay may magandang ‘koneksyon’ sa kanilang personalidad at pagkatao at hindi lamang kinuha dahil sa wala nang ibang mapili na katambalan niya.
Natatandaan ko tuloy ang dating mambabatas na si Tarlac Rep. Jesli Lapus na naging DepEd Secretary. Sinabi niya sa akin na, “Hindi dapat puwede lang. Dapat ay puwedeng-puwede!”.
Marahil ito ang isa sa mga katangian na hinahanap ni BBM sa kanyang bise presidente.
418077 420370Techniques for dilution antimicrobial susceptibility beadlets for beagles that grow aerobically-fifth edition. 623217
298693 809175This website is normally a walk-through you discover the information it suited you about it and didnt know who require to. Glimpse here, and you will definitely discover it. 707767
684108 339267I saw your post awhile back and saved it to my computer. Only recently have I got a chance to checking it and have to tell you nice function. 386160
892065 734386Hello my family member! I wish to say that this post is incredible, great written and come with approximately all vital infos. I would like to see extra posts like this . 481347