KUMUSTA, ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Sa panahon man ng kalakasan ng ekonomiya o sa kahinaan nito, maraming istratehiya ang kailangang paghandaan ng isang entrepreneur. Sa katunayan, sa umpisa pa lamang ng pagpaplanong magtayo ng negosyo, maraming paghahanda na ang isinasama rito. Isa sa mga ito ay ang tinatawag na Exit Strategy. Ang simpleng ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng nakahandang istratehiya kung paano ka bibitaw sa negosyo. Teka-teka. ‘Di ba kung magnenegosyo ka, iisipin mo na ito ay pangmatagalan? ‘Di ba dapat pinalalaki ang negosyo upang maipasa ito sa susunod na henerasyon? Hindi lahat, ganoon mag-isip.
Maraming mga entrepreneur ang malawak ang pag-iisip at marami pa silang nais na magawa sa kanilang buhay entrepreneur. Maraming startup ang napaghandaan na ang araw na kanilang ibebenta ang negosyo nila o ang kanilang shares sa negosyo. Bakit? Maraming dahilan. Ilan lang dito ay ang pagreretiro, pagbuo ng ibang negosyo, o sadyang ganoon lamang sila na tinaguriang serial entrepreneur. Kung ikaw ito, o kaya’y nais malaman kung bakit mo kailangan ng isang exit strategy, basahin mo dito. Tara na at matuto!
#1 Kung natalo ang negosyo
Ayon sa Investopedia.com, singkwenta porsyento o 50% ng mga negosyo ay ‘di nagtatagal ng mahigit sa 10 taon. Marami ang numerong ito, ‘di ba? Ang isang negosyong itinayo ko kasama ang ilang partner ay ang Mediablast Digital. Itinayo namin ito dahil may mga naging kliyente kami noon na mga politiko na nais makipagsapalaran sa halalan noong panahong iyon sa pamamagitan ng digital at social media. Noong mga panahong iyon, mabibilang sa isang kamay ang mga tulad namin na ganoon ang ginagawa. Sa katunayan, kahit nga magkakakatunggali sa nasyonal na lebel ay nais kaming konsultahin. Naging matagumpay naman ang mga ginawa namin noon na nagging daan upang sa mga sumunod pang halalan ay dumami pa ang kliyente namin, lalo na sa local. Ngunit ipinihit namin ang negosyong ito tungo sa mas establisadong merkado, at makailang ulit na ring nag-iba ang mga may-ari ng kompanya na sa ngayon, ako na lamang ang orihinal na nasa board. Lampas na ng 10 taon ang Mediablast at nairto pa rin kami. Ngunit dumami na ang ilang negosyong naidugtong dito sa ibang bansa. Sa ngayon, may opisina na kami sa US, at nakipag-partner na sa iba’t ibang kompanya. Dumating ba kami sa pagkalugi? Masasabi kong hindi. May mga proyekto kaming natalo o nalugi, pero buhay pa ang kompanya. Para sa amin, ang exit strategy namin ay iwasang magsara ang kompanya sa pamamagitan ng pagpihit sa mga paangat na kaakibat na negosyo.
#2 Kung nais mag-cash in
Natural sa isang entrepreneur ang makakita ng oportunidad upang mag cash in na. Maraming kadahilanan ito at madalas, personal ang pinaghuhugutan. Isang halimbawa ay ang pagliban ng mga nauna kong partner sa Mediablast dahil ninais na nilang pumihit ng direksiyon patungo sa kanya-kanyang karera. Isa pa ay ang pagbebenta ng ilang shares ng ilang partner ko sa isang negosyo na naging daan upang magkamal kami ng isang partner ko rin ng malaking bulto ng shares kaya kami na ang mayorya rito. Sa ikalawang halimbawa, nag-cash in na sila. Puwede rin kasing ibenta mo na ang buong kompanya, ‘di ba? Sa totoo lang, iyon din ang balak ko kapag napalaki na nang husto ang halaga ng mismong kompanya. Parang interes sa bangko o shares sa stock market lang iyan. Palakihin ang halaga at mag-cash in.
#3 Kung ipamamana ang negosyo
Sa totoo lang, wala pa akong kompanya na nais kong ipamana sa aking mga anak. Ito ay dahil mas nais kong magpursige silang hanapin ang nais nilang karera. Ngunit sa isang negosyo na pinasukan ko, noong pumihit ito patungo sa medical devices, ipinasok ko ang anak kong doktor bilang kasama sa board. Kasi nga, mas angkop sa kanyang kaalaman at kakayahan ito. Kaya ang isang gamit ng exit strategy ay naaayon sa balak mong ipamana ang negosyo sa anak mo. Parang insurance na rin ito, ‘di ba? Mas ipamamana mo ang isang bagay na patuloy na lalago kaysa salapi na baka maubos lang. Ang exit strategy na gagawin mo rito ay ang pagsasaayos ng sistema ng kompanya para kung panahon nang ipamana ito, maayos ang lahat. Siyempre, kasama na ang pag-train sa anak mo o kapamilya mo.
#4 Kung isasalin sa professional managers ang negosyo
Sa Amerika, maraming mga may-ari ng kompanya ang gumagawa ng exit strategy ng naaayon sa pagsasalin ng management sa mga propesyunal na tao na may kakayahang patakbuhin ang negosyo mo kahit ‘di ka na aktibo rito. Dito sa Filipinas, may kilala akong isang malaking kompanya kung saan mas ninais ng may-ari na kumuha ng CEO mula sa labas upang mas mapalaki ang kompanya. At ganoon na nga ang nangyari! Ang exit strategy dito ay katulad din ng pagpapamana ng negosyo sa anak o kapamilya. Ang pagkakaiba ay ang panahon upang magsanay ang kukuning mga propesyunal na taong mamamahala sa negosyo. Siyempre, kukuha lang ng mga may alam sa industriyang ginagalawan, ‘di ba? Ang pamilyarisasyon na lang sa mismong sistema at organisasyon ang pagtutuunan ng pagsasanay. Ibibigay mo na lang ang mga layunin ng negosyo at ano ang usapan ninyo sa halaga o dibidendo na ibibigay sa iyo buwan-buwan o taon-taon.
#5 Kung nais mo pang lumago nang husto ang negosyo
Kung exit lang din ang pag-uusapan, pinakamagandang exit ay ang pagpapalago pa nang husto sa naturang negosyo, ‘di ba?Paano ito magagawa? Narito ang apat na pamamaraan:
– IPO (initial public offering)
– Management buyout
– Strategic partnership o merger
– Full acquisition
‘Di ko na tatalakayin nang mahaba ang bawat isa na ito ngunit babanggitin ko na lang ang ibig sabihin ng mga ito. Ang IPO o initial public offering ay ang pagbubukas ng pagmamay-ari ng kompanya sa publiko sa pamamagitan ng pagpapalista nito sa stock exchange. Dahil may kinalaman ito sa stocks, ang nais mong mangyari ay lumaki ang halaga ng stocks mo para pagdating ng araw na nais mong ibenta ito ay malaki ang kikitain mo sa pag-cash in (buo man o parte). Ang management buyout naman ay ang simpleng pagbebenta ng kompanya mo sa mga nagpapalakad nito. Maraming paraan upang mapag-usapan ito, mula sa isang bagsak na halaga, o sa unti-unting pagbabayad. Ang strategic partnership o merger ay ang pagbenta ng stocks o shares mo sa kompanya ngunit ‘di ito buo. Madalas, isa sa inyo ng bibili ang magiging mayorya. Ang full acquisition naman ay ang pagbebenta ng buong kompanya sa iba. Kahit ano rito ay tinaguriang uri ng exit strategy. Depende sa laki ng kompanya mo, depende sa personal na nais mo, o depende sa sitwasyon.
Pagtatapos
Kung wala ka pang exit strategy, simulan mo muna sa pagbalik-tanaw sa layunin mo sa pagnenegosyo. Kumonsulta ka sa mga eksperto upang magabayan ka sa desisyon. Ang pagiging entrepreneur ay sadyang mahirap ngunit exciting. ‘Di man ito para sa lahat, maaari ka namang mag-sideline. Tandaang ‘di ito para sa mahina ang loob at kulang ang tiwala sa sarili. Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at ang maging masinop sa lahat ng bagay. Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan kasama ng pagtiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos.
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na [email protected]
177789 591470We are a group of volunteers and opening a new system in our community. Your internet site given us with valuable information to function on. Youve done an impressive job and our entire community will be grateful to you. 870946
159296 95959An really fascinating go by means of, I could not concur entirely, nonetheless you do make some really legitimate factors. 526265
285420 744396Id always want to be update on new articles on this internet internet site , saved to favorites ! . 389790
235831 663109Intriguing post. Positive that Ill come back here. Very good function. 220873
748890 140231An really fascinating go through, I could not concur entirely, nonetheless you do make some really legitimate factors. 929599
332029 733040This really is truly intriguing, You are a extremely skilled blogger. Ive joined your rss feed and appear forward to seeking much more of your magnificent post. Also, Ive shared your web internet site in my social networks! 816664