“HUWAG ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.” (Galacia 6:7)
Mayroon kaming kamag-anak na dati ay ubod nang yaman. Ang ama ay abogadong de-kampanilya at ang ina ay tagapagmana ng isang haciendero. Noong bata pa ang ama, inampon siya ng kanyang mayamang tiya na walang asawa dahil ang tunay niyang ina ay nabalo sa batang edad at mayroon pang apat na ibang anak na dapat buhayin. Ang tiyang umampon ay ubod nang yaman, may mansiyon at maraming ari-arain at paupahan sa Maynila at Quezon City. Ang trato at tawag sa kanya ng mga katulong ay “Señorito.” Pinag-aral siya sa mga mamahaling paaralan. Sa elementarya, nag-aral siya sa La Salle. Sa high school at kolehiyo, nag-aral siya sa Ateneo. Nagtapos siya ng abogasya. Nag-Masters at Doctorate ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST). Lahat ng luho at karangyaan sa buhay ay ibinigay sa kanya ng kanyang mapagmahal na ina-inahan. Guwapo siya, matangkad, mayaman, de-kotse na minamaneho ng isang tsuper, maraming pera, at tanging tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng kanyang ina-inahan, kaya naging malapitin siya sa mga magagandang babae.
Nang nasa tamang gulang na siya at para matigil ang kanyang pamumuhay palikero, naisipan ng kanyang ina-inahan na ireto siya sa anak na babae ng isang kakilalang don sa Laguna. Ang pamilya ng babae ay may-ari ng maraming malalawak na lupain. Nagkagustuhan sila at nagpakasal. Nagkaroon sila ng labing-isang anak, ang lahat ay pulos magaganda at makikisig din. Pinag-aral nila ang mga anak na babae sa Assumption Convent, ang marahil pinakamamahaling eksklusibong paaralan para sa mga babae, at ang mga lalaki naman ay sa Ateneo.
Lumaki ako na laging ikinukumpara ang aking pamilya sa pamilya ng aming mayamang kamag-anak. Labintatlo kaming magkakapatid; labing-isa naman sila. Ang edad naming magkakapatid ay katumbas ng edad ng kanilang mga anak. Nakikitira kami sa bahay ng aking lola, samantalang nakatira sila sa sarili nilang mansyon na tahanan na may malawak na lupain. Marahil ay 1,000 square meters ang kanilang lupain. Kami ay wala man lamang laruan. Ang ama ko ay isang empleyado sa gobyerno, ang ama ng kapitbahay namin ay Director sa mga malalaking kompanyang pag-aari ng mga Zobel de Ayala. Maliit ang suweldo ng ama ko, kaya hindi niya maibigay ang uri ng pamumuhay na tinatamasa ng aming mga kamag-anak. Sa ordinaryong araw, nakatsinelas at nakasando kaming magkakapatid, samantalang ang mga kamag-anak namin ay nakasapatos at magagara ang pananamit. Wala kaming kotse; nakikihiram lang ang ama ko sa aking lola kapag may lakad kami, samantalang ang kamag-anak namin ay may maraming kotse, at ang isa rito ay isang Volkswagen Combi na nagkakasya ang buong pamilya nila. Tuwing may kaarawan ang bawat anak ng aming mayamang kamag-anak, bigay-todo ang pagdiriwang nila at imbitado ang maraming panauhin; samantalang kami ay hindi na nagdiriwang ng kaarawan dahil hindi kaya ng mga magulang kong tustusan ang gastusin. Samakatuwid, halatang-halata ang agwat ng aming pamumuhay.
Dahil mayaman sila at nag-aral sa mga mamahaling paaralan, napansin kong ang mga anak ng mayaman ay mapupusok, malalakas ang loob, at agresibo; samantalang kaming magkakapatid ay kimi at mahiyain. Malulusog at malalaki ang kanilang pangangatawan dahil husto sa mga masaganang pagkain, samantalang kaming magkakapatid ay patpatin ang katawan dahil sa kulang sa sustansiya ang pagkain.
Mayroon silang swimming pool at masayang-masaya sila, samantalang kaming magkakapatid ay nanonood lang sa kanila na inggit na inggit. ‘Pag sila ay nagpi-picnic sa kanilang malaking bakuran at nagluluto ng masasarap na pagkain, kaming magkakapatid ay nanonood lang na may inggit. Hindi maganda ang naiinggit, subalit mga bata lang kami noon at hindi mapipigilan ang pagkainggit.
Ang hindi nga lang maganda, ang mayamang ama ay maraming barkadang mayayaman din. Tuloy, natuto siya ng maraming bisyo – sigarilyo, alak, at babae. Ito ang laging pinag-aawayan nilang mag-asawa. Dahil hindi na matiis ng misis ang mga bisyo ng asawa, naisipan niyang humanap ng sarili niyang barkadang mayayamang babae at lagi silang nagmamadyong. Tuloy, pareho silang laging wala sa bahay; naiiwan ang kanilang mga anak. Kahit ano ang gastos nila, parang hindi nababawasan ang kanilang kayamanan.
Dahil sa kulang sa gabay ng mga magulang, laging nag-aaway ang mga anak. Marahil, dala ng kagustuhan nilang matawag ang pansin ng kanilang mga magulang, sinubukan ng ilan na magbisyo rin. Hindi nagpatuloy sa pag-aaral at hindi nagtapos sa kolehiyo ang marami sa kanila.
Nang tumanda na ang ama at nagkaroon ng malubhang sakit, kinailangan niya ng mamahaling pagpapagamot. Para matustusan ang gastusin, unti-unti nilang ibinenta ang kanilang mga ari-arian. Naisipan ng mga magulang na ipamana na ang kanilang mga ari-arian sa kanilang mga anak habang buhay pa sila. Subalit hindi lahat ng anak nila ay marunong mangasiwa ng pera. Ipinagbili ng ilan ang kanilang mana at unti-unting naubos ang pera. Nakita ng aking mga mata kung paanong maaaring maubos ang malaking kayamanan nang paunti-unti. Mabuti na lang at mayroong ilang kapatid na mahusay sa kaperahan at sila ang tumutulong sa mga kapatid na naghihirap.
vvv
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YoutTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)
666463 899790Hi there for your individual broad critique, then again particularly passionate the recent Zune, and additionally intend this specific, not to mention the beneficial feedbacks other sorts of everyone has posted, will determine if is it doesnt answer youre seeking for. 726754
695139 786365Hi there, just became aware of your weblog by way of Google, and located that its truly informative. Ill be grateful if you continue this in future. Lots of individuals will benefit from your writing. Cheers! 543655
365446 908858hi and thanks for the actual weblog post ive lately been searching regarding this specific advice on-line for sum hours these days as a result thanks 950751