Mahigit 50 tao na ang nakalilipas mula nang tanggihan ninEvangeline Pascual Ang titulong Miss World. Siya sana ang kauna-unahang Filipina Miss World title holder kung hindi Niya inuna Ang pag-aartista.
Masyado pa raw Kasi siyang bata noon, 17 years old lang — at bida na sya sa movie na si Fernando Poe Jr. ang kapartner. Kung tinanggap raw niya ang Miss World title, iiwan nya lahat ng natanguan niyang commitments.
Sayang daw ang title roles, Ang pagkakataong makasama si FPJ sa pelikula, Ang mga teleserye, at 11 films in one year.
Hindi raw siya nagsisisi dahil tuluy-tuloy Ang kanyang career kung saan naging broadcaster pa siya ng 20 years sa radio.
Taga-Orani, Bataan at first runner-up sa 23rd Miss World beauty pageant noong November 23, 1973 sa Royal Albert Hall ng London United Kingdom, 54 silang naglaban-laban mula sa iba’t ibang panig ng mundo
Si Marjorie Wallace ng USA Ang nanalo, ngunit na-dethrone matapos Ang 104 days.
Dahil nagdeklara agad si Pascual na taranggihan niya ang korona, ibinigay ito sa second runner-up na si Patsy Yuen ng Jamaica. Unfortunately, trabaho lamang ang ibinigay kay Patsy at si Eva pa rin ang nagputong ng korona sa nanalong Miss World noong 1974.
Si Megan Young Ang kauna-unahang Pinay na kinoronahang Miss World noong 2013.