BAKSINASYON TULOY KAHIT ECQ

SA gitna ng nakatakdang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila mula Agosto 6 hanggang Agosto 20 ay ipagpapatuloy pa rin ng lokal na pamahalaan ng Paranaque ang kanilang pagbibigay ng baksinasyon sa mga residente ng lungsod.

Ayon sa pamahalaang lokal, ang mga residente na may petsa at iskedyul ng kanilang baksinasyon ay papayagan na lumabas ng kani-kanilang bahay upang maturukan ng bakuna.

Kaya’t hinikayat ang mga residente na bisitahin ang official Facebook page ng lungsod at i-check ang petsa at iskedyul ng kani-kanilang baksinasyon.

Bukod pa sa pagsasagawa ng pagbabakuna sa mga itinalagang vaccination sites sa lungsod ay ipagpapatuloy din ang pagbibigay ng serbisyo ng mobile vaccination program (MVP).

Gayundin,hiniling na rin ng mga Metro Manila mayors sa gobyerno ang karagdagang suplay ng COVID-19 vaccines sa gitna ng banta ng Delta variant.

Ang matatanggap na karagdagang bakuna ng bawat lungsod sa Metro Manila ay makakapagsagawa na ng house-to-house vaccination sa senior citizens gayundin sa mga adults na may comombidities.

Base sa datos ng City Health Office (CHO) noong Agosto 2 ay may kabuuang 468 aktibong kaso ng CO­VID-19 ang naitala sa lungsod kabilang na dito ang 59 na bagong kaso ng virus. MARIVIC FERNANDEZ

6 thoughts on “BAKSINASYON TULOY KAHIT ECQ”

  1. 534391 837791An attention-grabbing dialogue is value comment. Im positive that its greater to write on this subject, towards the often be a taboo subject but typically persons are not sufficient to speak on such topics. To one more location. Cheers 160713

Comments are closed.