DAGUPAN CITY – INILUNSAD ng Phil. Red Cross-Pangasinan Chapter sa pakikipagtulungan ng Department of Health Region 1 at lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang proyektong “Bakuna Bus” para sa mga batang mag-aaral na may edad 5 hanggang 11 na ginanap sa West Central Elementary School bilang pagsuporta sa COVID-19 immunization activities.
Ayon kay Paula Paz Sydiongco na ang Proyektong Bakuna Bus ay malaking tulong sa seguridad, at kalusugan ng mga bata at ang comprehensive vaccination campaign na maabot ang mga batang mag-aaral sa malalayong kanayunan. “Mobile vaccination is the best way to reach them.”
Base sa tala, hanggang nitong as Hunyo 5, umabot lamang sa 31 percent vaccination rate ang mga batang may 5 hanggang 11-anyos kaya kinakailangan mag-double effort kung saan welcome ang anumang immunization program ng PRC sa kanilang partner agencies para maabot ang target at mabigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa virus.
Base sa schedule na inilaan ng Department of Education, puntirya ng PRC Bakuna Bus ay magsasagawa ng serye ng immunization program sa iba’t ibang paaralan.
“We will also accommodate adults but in a separate area from where the children are being immunized. Residents outside the city are also welcome to avail of the Bakuna Bus service,” pahayag ni PRC Pangasinan- OIC Administrator Rex Vincent Escano.
Maging ang bus expenditures ay babalikatin ng Coca-Cola Phils. habang ang manpower naman ay sa Department of Health ( DOH), PRC, at ang City Health Office ng Dagupan kung saan ang mga batang nag-avail ng immunization service ay bibigyan ng educational kits.
Ang air-conditioned bus na gagamiting Bakuna Bus ay may kapasidad na 1,000 bata kada araw sa loob ng 10 araw para maabot ang vaccination rate kung saan maging ang “Health on Wheels” ng Bakuna Bus ay mag-provide ng mobikle COVID-19 vaccination campaign sa Pangasinan na suportado ng Coca-Cola Foundation.
Sa kasalukuyan ay may 19,000 unvaccinated children sa Dagupan City. MHAR BASCO