CAVITE – INILUNSAD kamakailan ng DOH CHD CALABARZON ang “Bakuna Eskwela” program na ginawa sa Angelo L. Loyola Senior High School sa Brgy. Lantic, Carmona City sa lalawigang ito.
Ang programa ay bahagi ng National Immunization Program (NIP) ng DOH para labanan ang mga Vaccine-preventanle Diseases (VPDs) gaya ng measles, rubella, tetanus, diphtheria, at human papillomavirus (HPV).
Magugunitang nauna nang ipinagpaliban ang programa dahil sa COVID-19 pandemic.
Umabot sa 3,908 estudyante mula sa Grade 1, 4, at 7 sa mga public school sa Carmona ang target na mabakunahan sa ilalim ng programa.
Magkasamang dumalo sina DOH Usec. Dr. Ariel Valencia at ASec. Liza Perez Chiong para sa ceremonial vaccination.
SID SAMANIEGO