BAKUNA MUNA BAGO CHA-CHA

Alan Peter Cayetano

BINIGYAN-DIIN ni Taguig City 1st Dist.-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na hindi napapanahon at hindi makabu-buti sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa partikular sa gitna ng nararanasang pandemya na isulong ang hakbangin maamyendahan ang ilang probisyon ng Konstitusyon.

Ayon sa dating House Speaker, batid niyang may ilang kontrobersiyal na isyung na sumulpot sa ngayon na hindi naman dapat agad na isantabi gaya ng Charter Change o Cha-Cha, pagbuwag o pag-modify sa party-list system at ang muling pagbabalik ng dealth penalty.

Subalit paggigiit niya, mas higit na importanteng pa rin matutukan ng pamahalaan at ng Kongreso ang patungkol sa inaabangang COVID 19 vaccination.

“We have some controversial issues, Cha-Cha (Charter Change), pag-abolished or pag-modify ng party-list and also ‘yung death penalty. Question ko sa inyo ngayon, anong mas importante, ‘yung tatlong iyon o (COVID 19) vaccination?” Ang sabi pa ni Cayetano.

Panawagan ng mambabatas ay maging ‘eyes on the ball’ ang mga opisyal ng pamahalaan na silang nakatuon sa usapin ng nararanasang national heath crisis. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.