BAKUNA NG MODERNA DARATING NA

INAASAHANG darating na ng Fililpinas sa katapusan ng Mayo o sa unang linggo ng Hunyo ang bakuna kontra Covid 19 na gawa ng Moderna.

Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni Philippine Ambassador to the US Manuel Romualdez, natapos na ang agreement at pinag-uusapan na lamang ngayon ang suplay kung kalian maide-deliver sa Filipinas.

“Ngayon, ang aming tinatrabaho dito, iyong Moderna which is with the private sector diyan sa atin. We have already concluded the agreement, iyong supply na lang ‘no. We’re threshing out the supply kung kailan nila puwedeng i-deliver itong Moderna. Ito iyong medyo katumbas ng Pfizer and we’re hoping that we will have the first deliveries by either end of May or early part of June, iyan ang tina-target natin,” pahayag ni Romualdez.

Kalahati aniya sa mga bakuna ay mapupunta sa pribadong sektor habang ang kalahati ay para sa mga health workers.

“And then of course, hindi naman sabay-sabay lahat iyong 20 million na ibinibigay natin sa Moderna, almost half of that will go to the private sector and their employees, malaking force iyan; and then the other half will go to our health workers, to all other or the rest of the Filipinos that would be receiving the Moderna; to the LGUs and other entities there in the Philippines,” dagdag pa ni Romualdez.

“So, we are confident that all of these things will be coming, definitely within the next second half of this year. We will be expecting these vaccines coming from the United States arriving,” pahayag ni Romualdez.

“Gusto ko lang sabihin sa ating mga mamamayan na alam mo ang Amerika nagdo-double-up ng kanilang production ng mga vaccines. Sinabi ni President Biden na by end of May lahat ng mga Amerikano ay puwede silang ma-vaccinate kung gusto nila and there will be enough for the United States” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Romualdez, may darating na mga bakuna mula sa Pfizer pero maaring ma-delay lamang.

Ang kawalan ng indemnity agreement ang dahilan aniya ng pagkaantala ng mga bakuna ng Pfizer.

Tiniyak naman ni Romualdez na hindi naman nahuhuli ang Filipinas sa pagkuha ng mga bakuna kontra Covid 19. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.